Home NATIONWIDE Suspensyon sa SMNI walang basehan, kulang sa due process – Padilla

Suspensyon sa SMNI walang basehan, kulang sa due process – Padilla

MANILA, Philippines – Idinepensa pa ng isang senador ang Sonshine Media Network Inc. (SMNI) sa pagsuspinde ng NTC sa naturang istasyon.

Nitong Biyernes, Disyembre 22, sinupalpal ni Senador Robin Padilla ang National Telecommunications Commission (NTC) sa umano’y pagmamadali sa due process na nag-uutos ng suspensyon sa SMNI ng 30 araw.

Anang chairman ng Senate committee on public information and mass media, maghahain siya ng resolusyon sa isyu sa pagbabalik ng sesyon sa Kongreso sa Enero.

“The NTC, in its show cause and suspension order, failed to indicate the need to suspend the operations of the SMNI, much more express how this is necessary to avoid serious and irreparable damage or inconvenience to the public or to private interests,” sinabi ni Padilla sa resolusyon na ihahain niya nang pormal.

Sa pagsuspinde sa operasyon ng network, sinabi ng NTC na sila ay “took cognizance” sa resolusyon ng Kamara na humihimok sa kanila na patigilin na ang operasyon ng SMNI dahil sa mga paglabag sa prangkisa.

Matatandaan na sumailalim pa sa pagdinig ang SMNI ng Kamara dahil sa pagpapakalat ng maling impormasyon.

“In the absence of proof of serious and irreparable damage or inconvenience to the public or private interests that may be caused by SMNI’s continued operations, the general rule shall apply wherein the NTC shall have the power, upon proper notice and hearing, to issue a suspension order pursuant to the Public Services Act,” pagpapatuloy ni Padilla.

Ayon sa senador, mayroong probisyon sa batas na nagsasabing maaaring magsuspinde ang NTC ng hanggang 30 araw “to avoid serious and irreparable damage or inconvenience to the public or to private interests.”

Binanggit din niya ang desisyon ng Korte Suprema noong 2008 na nagsasabing ang administrative proceedings ay “not exempt from basic and fundamental procedural principles, such as the right to due process in investigations and hearings.”

“The baseless issuance of a 30-day suspension order is a transgression of SMNI’s right to due process, which will result in serious and irreparable damage to it and its employees no less,” sinabi pa ni Padilla.

Bilang pagdepensa sa SMJI, sinabi ni Padilla na naging “instrumental” ang istasyon sa pagtulong sa pamahalaan sa paglaban sa terorismo sa pamamagitan ng mga programa nito.

Nauna nang kinwestyon ni Senador Imee Marcos ang suspension order ng NTC laban sa SMNI nitong Huwebes. RNT/JGC

Previous articleXian, umiiwas sa tanong, in-off ang comment box ng IG!
Next articleAndrea, ‘binusalan’ ng istasyon!