Home METRO SUV bumangga sa bakod, 4 indian national sugatan

SUV bumangga sa bakod, 4 indian national sugatan

ILOCOS SUR- Sugatan ang apat na Indian national matapos na bumangga sa bakod ang sinasakyan nilang SUV sa Brgy. Marcos District, Santa ng lalawigang ito kahapon, Disyembre 25.

Kinilala ng Santa Municipal Police Station ang driver ng kulay white na Suzuki XL7 na si Mahendiran Dhinakar, 21, walang asawa, estudyante, residente ng Brgy. Pamplona Tres, Las Piñas City, Metro Manila.

Nakilala naman ang mga pasahero nito na sina: Sivarishi Subrahamahiyan, 23, walang asawa, estudyante, residente ng Brgy. Torre Sur, Alabang, Las Piñas City, Metro Manila; Rames Sanmogan, 43, may asawa, cook, at Rengarsajan Chellamuthu, 38, may asawa, IT consultant, parehong residente ng Brgy. Sun Valley, Parañaque City, Metro Manila.

Bumibiyahe ang SUV sa national highway sa nabanggit na lugar papuntang timog na direksyon.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, biglang lumihis sa linya pakaliwa ang sasakyan hanggang sa bumangga ito sa isang bakod

Pawang nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang mga biktima na agad dinala sa Metro Vigan Cooperative Hospital ng mga rumespondeng MDRRMO at PNP personnel. Rolando S. Gamoso

Previous article2 pulis, 2 sundalo sangkot sa iligal na pagpapaputok ng baril ngayong holiday season
Next articleLalaki todas sa saksak sa Maynila