Home HOME BANNER STORY SUV driver na dumaan sa busway nagtangkang manuhol

SUV driver na dumaan sa busway nagtangkang manuhol

MANILA, Philippines – Posibleng masuspinde o maalisan ng lisensya ang SUV drayber na natiketan matapos dumaan sa EDSA busway nang tumanggi itong ipakita ang lisensya siya sa tauhan ng Land Transportation Office.

Dagdag pa rito, napag-alaman din na nagtangka pa umano itong suhulan ang humuli sa kanya.

Ayon sa Special Action and Intelligence Committee for Transportation, umihi pa sa busway ang drayber.

Ang SUV ay pinatigil sa busway sa North Avenue, Quezon City, na ayon sa SAICT, ay tumangging ipakita ang kanyang lisensya at naghamon pa ito na patunayang bawal talaga ang pagdaan ng mga pribadong sasakyan sa hiwalay na daanan para sa mga bus at emergency vehicles.

“‘Yung tao was saying na china-challenge yung ating personnel at sinasabi ipakita mo yung signage e yung signage natin is before the station hindi naman nasa loob…ang point doon may barrier po yan, pero itoy pang-bus lang,” pahayag ni Charlie Del Rosario, hepe ng Department of Transportation (DoTr)-Command and Control Operations Center (CCOC).

Sa video na inilabas ng SAICT, makikita na nakikipagtalo pa ang drayber sa mga tauhan ng LTO at naglabas pa ng pera.

“Based on the report that reached my office, there was an attempt to really even bribe our operatives,” dagdag ni Del Rosario.

Kalaunan ay binigyan ng tiket ang drayber ng constables ng Metropolitan Manila Development Authority, na hindi awtorisdang mangumpiska ng lisensya.

“Na-tiketan naman. The thing is, ‘pag MMDA kasi ang naghuhuli, basically they will not confiscate yung driver’s license, not like LTO kapag kami manghuli dyan ma-confiscate yung license,” ani Del Rosario.

Mas nais umano ng drayber na kumuha ng tiket mula sa MMDA dahil hindi nila makukuha ang kanyang lisensya.

“However, this will not prevent the SAICT CCOC to endorse a report here at the LTO naman for proper investigation,” giit ni Del Rosario. RNT/JGC

Previous articleVolcanologist Ed Laguerta, pumanaw na
Next article30 patay sa Ukraine sa malawakang strike ng Russia