Home METRO SUV na ‘pambayad-utang’ ipinang-araro sa mga motorsiklo ng mga maniningil!

SUV na ‘pambayad-utang’ ipinang-araro sa mga motorsiklo ng mga maniningil!

MANILA, Philippines- Inararo ng babae gamit ang kanyang SUV ang mga motorsiklo ng mga kolektor na ipinadala upang subastahin ang kanyang sasakyan dahil sa hindi nabayarang utang sa Cebu City.

Batay sa ulat nitong Biyernes, makikita sa isang cell phone video ang tangkang pagtakas ng driver matapos banggain ang mga motorsiklo sa N. Bacalso Avenue, Barangay Pardo nitong Huwebes.

“Ang nangyari is hinarangan siya sa Pardo pa lang sa may-ari ng may-ari sa Toyota para kunin dahil allegedly may utang, hindi nakabayad kaya kukunin,” pahayag ni Police Lieutenant Colonel Miguel Andeza. 

“So ang nangyari, may fear sa parte ng driver sa Toyota, pinilit, binangga niya ang motor na nakaharang,” dagdag niya.

Batay sa imbestigasyon ng Traffic Enforcement Unit, napag-alamang sinadyang harangan ng motorcycle riders ang SUV dahil inatasan ang mga itong kunin ang sasakyan.

“This counts as malicious mischief. Bakit? Binangga niya. With intent ang kanyang pagbangga,” dagdag ni Andeza.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang suspek hinggil dito. RNT/SA