Home METRO SUV na sangkot sa fatal hit-and-run sa basketball player sa Cebu, narekober...

SUV na sangkot sa fatal hit-and-run sa basketball player sa Cebu, narekober na

MANILA, Philippines – Narekober na ang sport utility vehicle (SUV) na pinaniniwalaang sasakyang nakapatay sa batang basketball player sa hit-and-run incident na nangyari noong Linggo, Pebrero 4.

Ang naturang sasakyan ay isang Mazda CX-7 na kulay gray, na nakuhanan sa closed-circuit television (CCTV) na nasa lugar nang mangyari ang hit-and-run incident, dahilan para masawi ang biktimang si Jeslar Uriel Larumbe.

Ito ay ayon sa social media post ng special assistant to the mayor nitong Martes, Pebrero 6.

Sa caption ng naturang post, sinabi na nakitang abandonado ang SUV sa Cabajar Street, Barangay Guadalupe sa Cebu City.

Maliban dito, nakita rin na may gasgas at yupi ang harapan ng sasakyan.

Nasa kustodiya na ng Guadalupe Police Station ang SUV.

Ang biktimang si Larumbe ay isang promising basketball player at engineering graduate sa Cebu, ay nasawi nang banggain ng humaharurot na sasakyan ang kanyang motorsiklo.

Nakita pa sa CCTV camera na may sirena at nakabukas ang VIP blinkers ng SUV nang mangyari ang insidente.

Nauna nang nilinaw ng pulisya na ang sasakyang sangkot sa hit-and-run incident ay hindi bahagi ng alinmang convoy. RNT/JGC

Previous articleSen. Tolentino bumisita sa The Hague
Next articleMANIBELA naghain ng reklamo vs DOTR sa PUV modernization