Home METRO SUV na umararo sa buntis natunton na; suspek tukoy na rin

SUV na umararo sa buntis natunton na; suspek tukoy na rin

MANILA, Philippines – Nakita na ang SUV na nakabangga at nakapatay sa isang 20 anyos na buntis sa isang talyer sa Dagupan City, Pangasinan.

Sa kabila nito, hindi pa rin nahuli ang salarin sa krimen dahil natuklasan din na ang tunay na may-ari ng nasabing sasakyan ay nakatira sa ibang bansa, ayon kay Police Leiutenant Colonel Rondan Cabatan, hepe ng Mangaldan Police Station.

“Chinalenge natin yung may-ari ng talyer kung sino ‘yung nagdala doon at tinawagan ng may-ari ng talyer ‘yung may-ari ng sasakyan. Dumating ‘yung anak ng may-ari ng sasakyan kasi ‘yung may-ari ng sasakyan ay currently residing na sa ibang bansa,” ayon kay Cabatan.

Inamin umano ng anak ng may-ari ng SUV na ang nobyo niya ang nagmamaneho ng sasakyan nang gabing mangyari ang aksidente.

Matatandaan na sakay ng motorsiklo ang biktimang si Ryza Mae Biay, 20-anyos at buntis, kasama ang live-in partner niya na si Lennuel Prestoza, nang mabangga sila ng sasakyan.

Tumilapon ang dalawa at nawasak ang kanilang motorsiklo sa lakas ng pagkakabangga. Kritikal ang kalagayan ni Prestoza na nananatili pa rin sa intensive care unit.

Tumakas naman ang driver ng SUV, na ayon sa pulisya ay 31-anyos na nobyo ng anak ng may-ari ng sasakyan na nahaharap sa patong-patong na kaso.

“Alam namin kung nasaan siya. Willing siyang mag-surrender. In the process ng batas, hindi na siya puwedeng i-custody because nag-lapse yung reglementary period at hindi mako-consider as hot pursuit operation ang nangyari,” dagdag pa ng pulis. RNT

Previous articleAge restriction kinalos ng Miss U!
Next articleVice at Ion sinampahan ng cybercrime case sa icing incident

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here