Home METRO SUVs na itinuturong pagmamay-ari ng ilang mambabatas nasita sa EDSA busway

SUVs na itinuturong pagmamay-ari ng ilang mambabatas nasita sa EDSA busway

MANILA, Philippines- Kabilang ang mga sasakyang pagmamay-ari umano ng senador at kongresista sa mga nasita ng Metro Manila Development Authority apprehended nitong Huwebes sa pagdaan sa EDSA Busway.

Ayon sa ulat, tiniketan ng MMDA traffic enforcers ang driver ng puting SUV na may plakang No. 7 na ginagamit ng mga senador.

Tanging driver lamang ang sakay nito.

Ayon pa sa ulat, pagmamay-ari ng miyembro ng Kamara ang itim na SUV na may blinkers subalit hindi pinangalanan ng MMDA ang may-ari nito.

Hindi rin tinukoy ang mga pasahero ng nasabing sasakyan.

Samantala, inisyuhan din ang ilang motorista ng traffic violation tickets sa ilegal na paggamit ng busway, kabilang ang isang pulis na nakipagtalo pa sa MMDA.

Anang MMDA, piling government officials ang pinapayagang makadaan sa EDSA busway.

Nauna nang nilinaw ng Department of Transportation na tanging ang Pangulo, Bise Presidente, Senate President, Speaker ng Kamara at Chief Justice ng Supreme Court ang maaaring dumaan sa busway. Kabilang din dito ang on-duty ambulances, fire trucks, at police cars.

“Hindi po lahat ng marked vehicle or government vehicle ay pinapayagan po,” pahayag ni MMDA Strikie Force Deputy Office-In-Charge Gabriel Go. 

Mayroon ding mga personalidad, tulad ng basketball player ang dumaan sa busway, na nakipagtalo rin sa MMDA. 

“You are trying to contest your violation but you’re captured on video, there’s no point in contesting it. It’s his prerogative kung gusto nya i-contest. Pwede syang magfile ng contest sa aming legal, sa traffic adjudication,” wika ni Go. 

Marami rin umanong motorsiklo ang nasita, batay sa ulat.

Sa ilalim ng MMDA Regulation No. 23-002, ang multa sa paglabag para sa public at private vehicles ay:

  • First offense – P5,000

  • Second offense – P10,000 at isang buwang suspensyon ng driver’s license, at kailangang sumailalim sa road safety seminar

  • Third offense – P20,000 at isang buwang suspensyon ng driver’s license

  • Fourth offense – P30,000 at rekomendasyon sa Land Transportation Office para sa pagbawi ng lisensya. RNT/SA

Previous articleKurso kay Taylor Swift iaalok ng UP
Next articlePasahero nawalan ng malay sa kawalan ng oxygen sa eroplano