Swab test result ng returning Pinoys, out na sa 3 araw: Dizon

Swab test result ng returning Pinoys, out na sa 3 araw: Dizon

July 1, 2020 @ 8:47 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Inilabas na ng National Task Force Against COVID-19 ang automated system para sa mga Pinoy na uuwi mula abroad para masigurong mailalabas ang resulta ng kanilang pagsusuri sa loob ng tatlong araw.

“Kailangan nating gawin ‘to para talagang mapadali ang proseso at hindi na mahirapan ang ating mga umuuwing Pilipino,” lahad ni coronavirus testing czar Vince Dizon.

Sa pagbabalik sa Pilipinas, ang mga magbabalik na Pilipino ay dapat magpatala online sa pamamapagitan ng sistema ng Philippine Red Cross sa pagsasagot ng e-case investigation form.

Kakailanganin din nilang i-upload ang bio page ng kanilang passports.

Makaraan ay makatatanggap sila ng QR code na i-scan sa kanilang pagdating sa Philippine international airport.

Oras na makumpleto ang kanilang swab samples, magtutungo na sila sa Immigration area at pag na-clear na, pupunta naman sila sa nakatakdang quarantine facility.

“Dati nga, apat na oras mahigit ang isang flight bago makalabas ‘yung mga pasahero. Ngayon, mahigit isang oras na lang. So do’n mo makikita ‘yung power ng automation,” lahad ni Dizon.

“I-print ‘yung certificate mo at ipapakita mo na ‘yun sa hotel manager or sa front desk at puwede ka nang umuwi,” dagdag pa nito.

Para naman sa mga magpopositibo, dadalhin sila sa iba pang quarantine facility. RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...