MANILA, Philippines – Nanalasa si Ariel Joseph Alegarbes sa men’s 50m butterfly S14 event ng swimming competition para makamit ang ika-11 gintong medalya ng Pilipinas sa 12th ASEAN Para Games sa Morodok Techo Stadium Aquatic Center sa Phnom Penh, Cambodia ngayong Lunes.
Rumehistro si Alegarbes ng 26.69 segundong oras upang angkinin ang nangungunang puwesto habang ang mga taya ng Malaysia na sina Bryan Lau Sze Kai at Muhammad Imman ay umangkin ng pilak at tansong medalya, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, ang beteranong para swimmer na si Ernie Gawilan ay tumira sa bronze sa men’s 100m backstroke S7 sa likod ng gold at silver medalists na sina Nguyen Hoang Nha ng Vietnam at Wei Soong Toh ng Singapore.
Si Gawilan, na sumabak sa 2016 2020 na edisyon ng Summer Olympics, ay nagtala ng isang minuto at 21.77 segundo upang matapos sa ikatlo.JC