Home NATIONWIDE Swiss firms interesadong mamuhunan sa Pinas – foreign minister

Swiss firms interesadong mamuhunan sa Pinas – foreign minister

MANILA, Philippines- Nakikita ng Swiss companies ang Pilipinas bilang “attractive investment destination,” ayon kay Swiss Federal Councillor at Foreign Minister Ignazio Cassis nitong Huwebes.

Sa sidelines ng bilateral meeting kasama si Foreign Affairs Enrique Manalo, inihayag ni Cassis na mas madali nang magnegosyo sa bansa kumpara noon.

“There is also growing interest by Swiss companies to invest in this country,” aniya. “With the free trade agreement between the EFTA (European Free Trade Association) family – Switzerland, Norway, Iceland, and Liechtenstein – and your country signed in 2018, doing business between the Philippines and Switzerland has become much easier and more attractive than earlier.”

Inihayag ng opisyal na nakalikha na ang investments mula sa Swiss firms sa Pilipinas ng have mahigit 28,000 trabaho.

Sa nasabing pulong, nagkasundo sina Cassis at Manalo na magtutulungan para sa full implementation ng Philippine-EFTA free trade deal.

“The Philippines is going through a remarkable process of modernization and economic growth. It’s important to use the opportunities offered by these developments,” ayon kay Cassis.

Bukod sa economic relations, tinalakay din ng dalawang opisyal ang posibilidad ng pagpapatuloy ng kontribusyo ng Switzerland sa peaceful development sa Pilipinas.

Mula 2014 hanggang 2021, pinamunuan ng Switzerland ang Transitional Justice and Reconciliation Commission, na nagpatupad ng peace agreement sa Bangsamoro.

Inihayag din ng dalawang opisyal ang pagkabahala sa “increasing geopolitical fragmentation” sa buong mundo.

Kabilang sa mga tinalakay nila ay ang umiigting na tensyon sa South China Sea at papel ng Switzerland sa United Nations Security Council at pagsisikap nitong mag-host ng high-level conference sa kapayapaan sa Ukraine.

Ang Manila ang huling destinasyon ng Asia-Pacific trip ni Cassis matapos ang opisyal niyang pagbisita sa India, South Korea, at China.

Aniya, nagsilbing oportunidad ang paglalakbay upang makalap ang pananaw ng apat na bansa sa digmaan sa Ukraine at posibleng daan sa kapayapaan.

“Given their political significance, their perspectives on this war are important to the organization of a high-level conference in Switzerland on peace in Ukraine,” wika niya. RNT/SA

Previous articleP5.94M premyo sa Lotto 6/42 pinaghatian ng 2
Next article10 nasagip sa distressed boat sa Romblon