Home NATIONWIDE SWS: 9.6M Pilipino, walang trabaho

SWS: 9.6M Pilipino, walang trabaho

MANILA, Philippines- Napag-alaman sa nationwide survey ng Social Weather Stations (SWS) na ang kawalan ng trabaho sa Pilipinas “hardly moved”, kung saan halos 9.6 milyong Pilipino ang walang trabaho hanggang nitong Disyembre 2022.

Inihayag ng SWS nitong mIyerkules na sa lumabas sa poll ang joblessness sa 21.3% ng adult labor force, bahagyang mas mataas kumpara noong October at June sa 18.6% at 20.8%.

Sinabi ng SWS na kumakatawan ito sa 9.6 milyong jobless adults, mula sa 8.8 milyon noong October 2022.

Pinakamataas ang kawalan ng trabaho sa Metro Manila sa 24.8%, sinundan ng Balance Luzon sa 23.1%, Visayas sa 18.6%, at Mindanao sa 18.1%.

Bagama’t bumaba ang annual average joblessness sa lahat ng lugar, walang naitalang improvement sa Mindanao.

Samantala, ang labor force participation rate ng survey– saklaw ang adults (18 taon pataas) na may trabaho at naghahanap nito– ay bumaba sa 62.6%, o tinatayang 45.2 milyon.

Isinagawa ang survey mula Dec. 10 hanggang 14, kung saan nagsagawa ng panayam sa 1,200 adults sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao. Mayroon itong sampling error margins na ±2.8% para sa national percentages. RNT/SA

Previous articlePH rescue team nasa Turkey na – OCD
Next articleVP Duterte itinalagang presidente ng SE Asian education org