MANILA, Philippines — Umabot sa 99 porsiyento ng mga respondent ang nagpahayag na nananatili silang “proud” bilang Pilipino, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
“Nananatiling mataas ang pagmamataas sa pagiging Pilipino,” sabi ng SWS sa taunang pagsusuri sa survey na inilathala nitong Martes.
Tinanong ng SWS sa respondents: “Gaano ninyo ipinagmamalaki ang pagiging Pilipino?
Bilang tugon, 91 porsyento ng mga respondent ang nagsabing sila ay “napaka-proud,” habang walong porsyento ang nagsabing sila ay “medyo proud” na maging Pilipino.
Isang porsyento lamang ang nagsabi na sila ay “hindi masyadong proud” sa kanilang nasyonalidad.
Ang SWS ay nagsagawa ng kanilang pinakabagong survey noong Disyembre 10-14, 2022 na may 1,200 adult na respondent. RNT