Home ENTERTAINMENT Sylvia, dedma sa tsikang preggy si Ria!

Sylvia, dedma sa tsikang preggy si Ria!

Manila, Philippines- As far as accessibility is concerned, “mayaman” nito si Sylvia Sanchez.

This explains kung bakit every member of the entertainment press ay kaibigan niya.

Mahusay kasing makisama ang multi-awarded actress.

Bale ba, nag-rub off sa kanyang mga anak na sina Arjo at Ria Atayde ang magandang pakikitungo ni Sylvia sa press.

Kahit naman ang mister ni Sylvia na si Art ay todo ring makibagay sa mga reporter.

Of late, in the news ang mag-inang Sylvia at Ria.

Sylvia in the sense na hindi na raw siya makapaghintay na magkaroon ng apo mula sa kanyang mga anak.

Samantala, Ria hogged recent showbiz headlines dahil engaged na sila ng nobyong si Zanjoe Marudo.

Mas talk of the town nga lang si Ria dahil may tsikang preggy na siya.

To make sure, panay ang direct message ng mga reporter kay Sylvia.

Anila, kung hindi mismo kay Ria ay ang ina nito would be the best person to ask kung may katotohanan ang balita.

Habang sinusulat ito’y “seen” lang daw ni Sylvia ang mga mensahe ng mga ka-close niyang reporter.

Hindi na raw kinulit pa ng mga ito ang aktres dahil nirerespeto nila ang NR o No Reaction stance nito.

Or posible ring ipinauubaya ni Sylvia kay Ria ang paglilinaw sa isyu, o kay Zanjoe for that matter. Ronnie Carrasco III

Previous articleAga, aminadong nabaon sa utang!
Next articlePBB, magbabalik, sa GMA7 na mapapanood?