T.D Ambo inaasahang lalakas bago humagupit sa Bicol, dadaan sa MM

T.D Ambo inaasahang lalakas bago humagupit sa Bicol, dadaan sa MM

May 12, 2020 @ 12:32 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Inaasahang lalakas ang tropical depression Ambo bago ito humagupit sa Bicol Region at dadaan sa Metro Manila sa linggong ito, ayon sa state weather bureau nitong Martes, Mayo 12.

Namataan ang unang bagyo sa bansa sa 340 kilometrong silangan ng Surigao City, na may lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers per hour at bugsong 70 kph, ayon kay PAGASA weather forecaster Ariel Rojas bandang alas-6 ng umaga.

Gumagalaw ito pa-hilaga-hilagang kanluran sa 15 kilometers per hour at lalakas ang Ambo at magiging isang tropical storm anumang oras ngayong Martes saka magiging severe tropical storm bago mag-landfall sa Albay o Sorsogon sa Huwebes ng hapon.

Dadaan ang Ambo sa hilaga ng Metro Manila sa Biyernes o Sabado saka tutungo papuntang West Philippine Sea, aniya.

Ayon kay Rojas, magdadala ng maulap na kalangitan at pagkidlat ang trough o extension ng bagyo ngayong Martes sa Mindanao.

Makararanas naman ng mainit at maalinsangang panahon na maaaring magsanhi ng thunderstorms sa hapon o gabi ang Luzon at Visayas. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Loading...