MANILA, Philippines- Epektibo ang taas-presyo ng Petron Corporation at Solane para sa kanilang liquefied petroleum gas (LPG) products ngayong Miyerkules, Pebrero 1, 2023.
Sa abiso, sinabi ng Petron na magpapatupad ito ng P11.20 kada kilong dagdag sa household LPG.
Samantala, itataas naman ang presyo ng AutoLPG ng P6.25 kada litro.
“These reflect the international contract price of LPG for the month of February,” dagdag ng kompanya.
Samantala, inanunsyo ng Solane na epektibo ang dagdag-presyo nito sa LPG ng 11.18/kg, kasama ang VAT, kaninang alas-6 ng umaga.
Gayundin, sinabi ng Phoenix LPG Phils., Inc. na tataasan nila ang preyso ng Phoenix Super LPG ng P11.20/kg at Auto LPG ng P6.25/l epektibo ngayong araw. RNT/SA