Home HOME BANNER STORY Taas-presyo sa petrolyo, asahan bukas!

Taas-presyo sa petrolyo, asahan bukas!

MANILA, Philippines – MAGPAPATUPAD ng malakihang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas, Hunyo 13.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P1.20 sa kada litro ng kanilang gasolina, P1.40 sa kada litro ng diesel at P1.30 sa kada litro ng kanilang kerosene epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May oil price hike din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na magiging epektibo alas-12:01 ng madaling araw gayundin ang CleanFuel na magiging epektibo alas-4:01 bukas ng hapon.

Ang ipapatupad na dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado. JAY Reyes

Previous article14 katao kinagat ng asong naulol
Next articleDiego, sinabihang bastos!