Home HOME BANNER STORY Taas-presyo sa produktong petrolyo inaasahan sa sunod na linggo

Taas-presyo sa produktong petrolyo inaasahan sa sunod na linggo

MANILA, Philippines- Nagbabadya ang panibagong pagtaas sa presyo ng prduktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa forecast ng Unioil Petroleum Philippines Inc. nitong Sabado.

Sinabi ng Unioil na posibleng madagdagan ang presyo ng gasolina ng ₱0.90 hanggang ₱1.10 kada litro, habang nakaambang tumaas ang presyo ng diesel ng ₱0.70 hanggang ₱0.90 kada litro.

Inaasahang iiral ang price adjustments mula Jan. 23 hanggang 29, dagdag nito. RNT/SA

Previous articleKelot na nasilbihan ng search warrant timbog sa shabu sa Muntinlupa
Next articleHigit 6.5M nangangailangang Pinoy natulungan ng DSWD noong 2023