Home NATIONWIDE Taas-sahod sa 2024 posible – DOLE chief

Taas-sahod sa 2024 posible – DOLE chief

MANILA, Philippines- Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na may posibilidad para sa wage increases sa 2024 ngunit ang pinal na desisyon ay nasa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs).

Nilinaw ng Laguesma nitong Martes na wala siyang pinal na pahayag sa usapin dahil ito ay isa sa mga tungkulin ng wage board.

Binigyan-diin ng kalihim na inaalisa ng RTWPBs ang sitwasyon at gumawa ng mga angkop na aksyon kung maghain man o hindi ng petisyon sa pagtaas ng sahod.

Ipinunto rin ni Laguesma na ang tungkulin ng wages boards ay hindi nagtatapos sa pagpapalabas ng wage order dahil sinusubaybayan din nila ang mga umiiral na pangyayari at sinusuri ang pagsunod ng mga employer upang makagawa ng isang plano.

Tinitingnan din ng DOLE sa pamamagitan ng RTWPBs kung ano ang magagawa para sa kanilang empleyado nang hindi nalalagay sa panganib ang operasyon ng kanilang mga kompanya, ayon kay Laguesma.

Sinabi ni Laguesma na iginagalang nito ang pangangailangan ng RTWPBs na panatilihin ang kanilang integridad at kredibilidad sa pagiging impartial nang walang anumang impluwensya maging mula sa labor secretary. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePH gov’t nanindigan sa PUV consolidation deadline
Next articleKonstruksyon ng fishers’ shelter sa Ayungin sinisilip ng Pinas