Home HOME BANNER STORY Taas-sahod sa Calabarzon inaprubahan!

Taas-sahod sa Calabarzon inaprubahan!

755
0

MANILA, Philippines – Itinaas na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Calabarzon ang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor mula P35 hanggang P50, inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Huwebes.

Sa board Wage Order No. IVA-20 na may petsang Sept. 1 , ang daily minimum wages sa sumusunod na lugar sa rehiyon — mula P470 hanggang P520 para sa non-agriculture sector; mula P429 hanggang P479 para sa agriculture sector; at mula P350 Hanggang P385 para sa retail at service establishments na naka-empleyo ng hindi lagpas sa 10 manggagawa.

Sinabi ng DOLE na ang wage order ay inaasahan na magbebenepisyo ang 719,704 minimum wage earners sa rehiyon.

Pinagtibay ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang wage order noong Setyembre 5. Ito ay ilalathala sa Biyernes at magkakabisa sa Setyembre 24 o 15 araw mula sa pagkakalathala nito.

Samantala, sinabi ng DOLE na ang mga manggagawa sa agriculture sector sa lungsod ng Calaca sa Batangas at Carnona sa Cavite ay dapat makatanggap ng dagdag na P89 dahil sa kanilang reclassification mula sa first class municipalities component cities sa bisa ng Republic Act 11544 at 11938.

Ang board ay binubuo ng mga kinatawan mula sa gobyerno ,management at labor sectors , na nagsagawa ng serye ng public hearings noong Agosto 7 sa Batangas , Agosto 9 sa Cavite at Agosto 11 sa Laguna, at wage deliberation noong Agosto 16,18,23 at Sept.1,2023.

Hindi naman saklaw ng minimum wage law ayon sa Republic Act No.9178 [2022] ang Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) .

Para sa mga aplikasyon ng exemption at karagdagang paglilinaw sa wage order, maaari ding maabot ang RTWPB sa pamamagitan ng email address nito na [email protected]

Ang huling wage order para sa mga manggagawa sa mga pribadong establisyimento sa rehiyon ay inilabas noong Mayo 30, 2022 at nagkabisa noong Hunyo 30, 2022.

Nakatakda ring magsagawa ng pampublikong pagdinig ang RTWPB-Region V sa Legazpi City sa unang bahagi ng susunod na buwan para sa panukalang pagsasaayos ng suweldo sa rehiyon.

Isinasagawa ang pagdinig upang payagan ang lahat ng stakeholder na maaapektuhan ng pagsasaayos ng sahod na makilahok.

Bago ang public hearing, sinabi ng RTWPB – Region V na magsasagawa rin ito ng ilang wage consultations sa iba’t ibang bahagi ng Bicol.

Kabilang rito ang Villa Isabel Hotel, Sorsogon City (Sept. 11), Freshco Beach Resort, Masbate City (Sept. 22), Lotus Blu Hotel, Naga City, Camarines Sur (Sept. 26), at Wiltan Hotel, Daet, Camarines Norte (Sept. 27).

Ang huling wage order na inilabas ng Bicol wage board, na nagbigay ng P33 salary increase, ay nagkabisa noong Hunyo 2022.

Ang Wage Order No. V-20 ay nagdala ng pang-araw-araw na minimum wage rate sa Bicol Region sa P365. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleAustralia pinasalamatan ng Pinas sa concern nito sa aksyon laban sa Pinas sa SCS
Next article1 patay, 2 sugatan sa aksidente sa Skyway

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here