BSKE - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Thu, 02 Nov 2023 06:02:58 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.0 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png BSKE - Remate Online https://remate.ph 32 32 Bagong halal na barangay councilor, itinumba sa NoCot https://remate.ph/bagong-halal-na-barangay-councilor-itinumba-sa-nocot/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bagong-halal-na-barangay-councilor-itinumba-sa-nocot https://remate.ph/bagong-halal-na-barangay-councilor-itinumba-sa-nocot/#respond Thu, 02 Nov 2023 06:52:51 +0000 https://remate.ph/?p=523322 MANILA, Philippines – Pinagbabaril-patay ang isang bagong halal na barangay councilor sa Midsayap, North Cotabato nitong Miyerkulesn ng umaga, Nobyembre 1. Ang biktima ay kinilalang si Suharto Antilino, bagong halal na kagawad ng Barangay Poblacion 3 sa Midsayap, ayon kay Police Lt. Col. John Miridel Calinga, hepe ng Midsayap police. “Witnesses said there was an […]

The post Bagong halal na barangay councilor, itinumba sa NoCot first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Pinagbabaril-patay ang isang bagong halal na barangay councilor sa Midsayap, North Cotabato nitong Miyerkulesn ng umaga, Nobyembre 1.

Ang biktima ay kinilalang si Suharto Antilino, bagong halal na kagawad ng Barangay Poblacion 3 sa Midsayap, ayon kay Police Lt. Col. John Miridel Calinga, hepe ng Midsayap police.

“Witnesses said there was an argument between Antilino and his cousin before the shooting,” sinabi ni Calinga sa panayam sa radyo.

Ayon pa sa ilang witness, si Antilino, 35-anyos, ay tumakbo pa subalit nahabol ng gunman na nagpaputok ng baril kung kaya’t tinamaan ang biktima sa likod ng ulo nito.

Idineklarang dead on arrival ang biktima sa ospital.

Nakuha sa crime scene ang empty shell ng caliber .45 pistol.

Sinabi ni Calinga na ang pamamaril ay walang kinalaman sa eleksyon, kundi “personal grudge” ng suspek sa biktima. RNT/JGC

The post Bagong halal na barangay councilor, itinumba sa NoCot first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/bagong-halal-na-barangay-councilor-itinumba-sa-nocot/feed/ 0
3 suspek sa pamamaril sa Basilan noong BSKE, sumuko na https://remate.ph/3-suspek-sa-pamamaril-sa-basilan-noong-bske-sumuko-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=3-suspek-sa-pamamaril-sa-basilan-noong-bske-sumuko-na https://remate.ph/3-suspek-sa-pamamaril-sa-basilan-noong-bske-sumuko-na/#respond Thu, 02 Nov 2023 02:10:46 +0000 https://remate.ph/?p=523183 MANILA, Philippines – Sumuko sa pulisya ang isang barangay chairman kasama ang dalawang kasamahan, na sangkot umano sa pamamaril sa Lamitan City, Basilan noong gabi ng halalan, Oktubre 30. Sumuko sina Abdulla Panglias, incumbent chairman at reelectionist ng Brgy. Balagtasan, Lamitan City, at dalawa niyang kasabwat na sina Absar Panglias at volunteer community watchman Jhulbin […]

The post 3 suspek sa pamamaril sa Basilan noong BSKE, sumuko na first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Sumuko sa pulisya ang isang barangay chairman kasama ang dalawang kasamahan, na sangkot umano sa pamamaril sa Lamitan City, Basilan noong gabi ng halalan, Oktubre 30.

Sumuko sina Abdulla Panglias, incumbent chairman at reelectionist ng Brgy. Balagtasan, Lamitan City, at dalawa niyang kasabwat na sina Absar Panglias at volunteer community watchman Jhulbin Suntul, kay 101st Infantry Brigade BGen. Alvin Luzon sa Camp Luis Biel.

Agad namang sumuko matapos ng insidente ang isa pang suspek na si Ghalib Tala Sasal.

Kabilang sa mga isinuko ay ang tampered M653 rifle, caliber .45 pistol at iba pang sari-saring bala at armas.

Matatandaan na noong gabi ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), iniulat na namaril ang mga suspek at napatay si Sagon Jailun at Unnang Turabin Alasa, na umano’y sinubukang pigilan ang kampo ni Panglias na kunin ang mga ballot box.

Nahaharap sa double murder charges ang mga suspek kasabay ang kasong paglabag sa ipinatutupad na gun ban ng Commission on Elections para sa BSKE.

“Our next effort now is to stabilize and normalize the situation in Brgy. Balagtasan, Lamitan City, and remove the fear and anxiety of the barangay folks,” ani Luzon. RNT/JGC

The post 3 suspek sa pamamaril sa Basilan noong BSKE, sumuko na first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/3-suspek-sa-pamamaril-sa-basilan-noong-bske-sumuko-na/feed/ 0