trending now - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Thu, 30 May 2024 06:54:54 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.0 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png trending now - Remate Online https://remate.ph 32 32 Driver’s license ng suspek sa Makati road rage, sinuspinde na https://remate.ph/drivers-license-ng-suspek-sa-makati-road-rage-sinuspinde-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=drivers-license-ng-suspek-sa-makati-road-rage-sinuspinde-na https://remate.ph/drivers-license-ng-suspek-sa-makati-road-rage-sinuspinde-na/#respond Thu, 30 May 2024 07:10:36 +0000 https://remate.ph/?p=571390 MANILA, Philippines – Sinuspinde na ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng suspek sa pamamaril sa isang motorista sa EDSA-Ayala Tunnel sa Makati. Sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na ang mga kasong administratibo laban kay Gerrard Raymund Yu ay Reckless Driving sa ilalim ng Section 48 ng […]

The post Driver’s license ng suspek sa Makati road rage, sinuspinde na first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Sinuspinde na ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng suspek sa pamamaril sa isang motorista sa EDSA-Ayala Tunnel sa Makati.

Sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na ang mga kasong administratibo laban kay Gerrard Raymund Yu ay Reckless Driving sa ilalim ng Section 48 ng Republic Act 4136 in connection to I-E of Joint Administrative Order 2014-01; at Hindi Wastong Taong Magpapatakbo ng Sasakyan ng Motor sa ilalim ng Seksyon 27(a) ng RA 4136—na may pinakamataas na parusa ng pagkansela ng lisensya sa pagmamaneho.

“Nag-isyu na kami ng Show Cause Order laban sa kanya at dahil nasa kustodiya na siya ng pulisya para sa isang kaso na non-bailable, inutusan siyang magsumite ng notarized affidavit kung bakit hindi siya dapat parusahan,” ani Assec. Mendoza.

Nauna nang nag-utos si Mendoza ng imbestigasyon sa insidente matapos humingi ng tulong sa LTO ang Philippine National Police (PNP) para matukoy ang rehistradong may-ari ng isang itim na Mercedes Benz na ang driver ay na-tag bilang siyang bumaril sa 65-anyos na si Aniceto Mateo dahil sa road rage sa Makati noong Martes ng hapon.

Kaugnay nito bilang tugon, naglabas ng SCO si LTO-National Capital Region Police Regional Director Roque Verzosa III laban sa rehistradong may-ari ng sasakyan sa Las Piñas City. Nauwi ito sa operasyon ng pulisya sa Las Piñas City at napag-alamang hindi pala ang rehistradong may-ari ang driver.

Kalaunan ay natunton ng mga imbestigador ng pulisya si Yu sa kanyang bahay sa Pasig City kung saan siya inaresto at kung saan natagpuan ang Mercedes Benz kasama ang dalawang baril, isa sa mga ito ay tumugma sa bala na ikinamatay ni Mateo.

Sinabi ni Assec Mendoza na hihilingin sa rehistradong may-ari na ipaliwanag kung bakit si Yu ang nagmamaneho ng itim na Mercedes Benz.

Idinagdag niya na parehong hihilingin sa rehistradong may-ari at kay Yu na ipaliwanag kung bakit may dalawang plaka na nasamsam sa operasyon— ang isa ay berdeng plakang BCS77 at ang isa ay isang puting plakang DAB 9670 na siyang naka-install sa kotse nang arestuhin ng mga pulis si Yu.

“Lahat ito ay bahagi ng due process. Ang mahalaga dito ay nagpadala ito ng malakas na mensahe na nagtutulungan ang PNP at LTO para matugunan ang ganitong uri ng krimen,” ani Assec Mendoza.

“Kaya muli nating pinapa-alalahanan ang ating mga kababayan na magbaon ng nakaparaming paasensya sa kalsada dahil walang naidudulot na Mabuti ang init ng ulo,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Mendoza na ipinaalam na sa tanggapan ni Department of Transportation Secretary Jaime J. Bautista ang mga aksyon ng LTO sa kasong ito. Santi Celario

The post Driver’s license ng suspek sa Makati road rage, sinuspinde na first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/drivers-license-ng-suspek-sa-makati-road-rage-sinuspinde-na/feed/ 0
Kaugnayan ng Bamban POGO sa Parañaque scam iniimbestigahan https://remate.ph/kaugnayan-ng-bamban-pogo-sa-paranaque-scam-iniimbestigahan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kaugnayan-ng-bamban-pogo-sa-paranaque-scam-iniimbestigahan https://remate.ph/kaugnayan-ng-bamban-pogo-sa-paranaque-scam-iniimbestigahan/#respond Thu, 30 May 2024 05:00:13 +0000 https://remate.ph/?p=571320 MANILA, Philippines – Tinitingnan na ng mga awtoridad ang posibilidad ng kaugnayan ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban, Tarlac at sa pinakahuling paglusob sa isang human trafficking and online scamming hub sa Paranaque City. Naniniwala ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na posibleng nakatakas ang 10 Chinese at Filipino bodyguard na naaresto […]

The post Kaugnayan ng Bamban POGO sa Parañaque scam iniimbestigahan first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Tinitingnan na ng mga awtoridad ang posibilidad ng kaugnayan ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban, Tarlac at sa pinakahuling paglusob sa isang human trafficking and online scamming hub sa Paranaque City.

Naniniwala ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na posibleng nakatakas ang 10 Chinese at Filipino bodyguard na naaresto sa operasyon ng pulisya mula sa naunang nilusob na POGO hub sa Bamban.

Ipinanawagan ni Senador Sherwin Gatchalian ang imbestigasyon kaugnay nito kasunod ng sumbong ng mga residente ng isang barangay.

“Itong mga sindikato umiikot lang sila,” ani Gatchalian.

Ang raid ay isinagawa noong Mayo 2 kasunod ng reklamo mula sa mga homeowners, na nagsabing nilalabag na ng mga istrukturang ito ang 3-story regulations.

Hindi rin umano ito ang unang pagkakataon na may nilusob na POGO sa loob ng kanilang subdivision.

“When we saw Bamban, the structures were so similar…the process of applying for stickers, IDs, and also constructions. Some are using already local identification, passports, birth certificates, driver’s license, postal ID [and] all these things. They can’t even speak Tagalog,” ayon sa isang homeowner sa panayam ng GMA News.

“[I saw] one young teenager, a girl, who jumped from [the] 3rd floor going down na parang tumatakas. (like she was escaping) I reported that to our security. They went to the house. I don’t know what happened. She was limping, going away pero hinabol siya ng mga Chinese and our security people,” dagdag ng isa pang homeowner. RNT/JGC

The post Kaugnayan ng Bamban POGO sa Parañaque scam iniimbestigahan first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/kaugnayan-ng-bamban-pogo-sa-paranaque-scam-iniimbestigahan/feed/ 0
Suspek sa road rage sa EDSA-Ayala naaresto na https://remate.ph/suspek-sa-road-rage-sa-edsa-ayala-naaresto-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=suspek-sa-road-rage-sa-edsa-ayala-naaresto-na https://remate.ph/suspek-sa-road-rage-sa-edsa-ayala-naaresto-na/#respond Wed, 29 May 2024 06:31:04 +0000 https://remate.ph/?p=571115 MANILA, Philippines – Naaresto na ang suspek sa pagpatay sa stay-in driver sa isang shooting incident sa EDSA-Ayala, ayon kay Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. Hindi na nagbigay pa si Abalos ng ibang detalye at sumagot lamang ng “yes” nang tanungin tungkol sa pagkakaaresto ng suspek. “Yes, there will be a press conference in [Camp] […]

The post Suspek sa road rage sa EDSA-Ayala naaresto na first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Naaresto na ang suspek sa pagpatay sa stay-in driver sa isang shooting incident sa EDSA-Ayala, ayon kay Interior Secretary Benjamin Abalos Jr.

Hindi na nagbigay pa si Abalos ng ibang detalye at sumagot lamang ng “yes” nang tanungin tungkol sa pagkakaaresto ng suspek.

“Yes, there will be a press conference in [Camp] Crame,” ani Abalos.

Batay sa ulat ng pulisya, binaril-patay ang 65-anyos na biktimang si Aniceto Mateo, driver, sa southbound lane ng EDSA Ayala tunnel bandang 2:30 ng hapon nitong Martes, Mayo 28, ng suspek na sakay ng itim na Mercedes Benz na may plakang BCS77.

Si Mateo ay sakay ng Toyota Innova sakay ang isang babaeng pasahero at isang menor de edad nang mangyari ang pamamaril. RNT/JGC

The post Suspek sa road rage sa EDSA-Ayala naaresto na first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/suspek-sa-road-rage-sa-edsa-ayala-naaresto-na/feed/ 0
Registered owner ng kotse na sangkot sa road rage incident sa EDSA, tukoy na https://remate.ph/registered-owner-ng-kotse-na-sangkot-sa-road-rage-incident-sa-edsa-tukoy-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=registered-owner-ng-kotse-na-sangkot-sa-road-rage-incident-sa-edsa-tukoy-na https://remate.ph/registered-owner-ng-kotse-na-sangkot-sa-road-rage-incident-sa-edsa-tukoy-na/#respond Wed, 29 May 2024 05:00:12 +0000 https://remate.ph/?p=571082 MANILA, Philippines – Tukoy na ng pulisya ang registered owner ng kotse na ginamit sa pamamaril sa isang drayber sa EDSA-Ayala Tunnel sa Makati City nitong Martes, Mayo 28. Ayon sa Southern Police District, nakipag-ugnayan sila sa Land Transportation Office at iba pang ahensya ng pamahalaan para makuha ang pangalan ng may-ari. Inaalam na rin […]

The post Registered owner ng kotse na sangkot sa road rage incident sa EDSA, tukoy na first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Tukoy na ng pulisya ang registered owner ng kotse na ginamit sa pamamaril sa isang drayber sa EDSA-Ayala Tunnel sa Makati City nitong Martes, Mayo 28.

Ayon sa Southern Police District, nakipag-ugnayan sila sa Land Transportation Office at iba pang ahensya ng pamahalaan para makuha ang pangalan ng may-ari.

Inaalam na rin ng SPD ang profile ng suspek sa pamamaril.

“As of now, based doon sa record ng LTO, meron na tayong pangalan kung kanino nakaregister ‘yun. So ang e-establish na lang natin of course is kung sino talaga ‘yung driver ng Mercedes Benz na kulay itim na gamit ng suspek natin doon sa pamamaril,” pahayag ni PCol. Jessie Tamayao, Deputy District Director for Administration ng Southern Police District sa panayam ng ABSCBN News.

“Patuloy ang investigation natin. We coordinated with all concerned agencies the LTO, of course sa prosecutors natin about possible filing of court order ng hold departure ng concerned possible suspect natin,” pagpapatuloy niya.

Ani PCol. Tamayao, pauwi na sana ang drayber sakay ng kanyang puting Toyota Innova kasama ang babaeng pasahero at isang menor de edad nang pagbabarilin ito ng suspek na sakay ng itim na kotse.

“Actually family driver ‘yung nasawi na victim. Magkasama sila tapos sinundo nila ‘yung anak ng kanilang amo doon sa eskwelahan dito sa Taguig City. Then along the way nung pauwi na sila, from Kalayaan flyover, heading towards EDSA Southbound doon palang sa baba meron ng gitgitan ng sasakyan between the suspect’s vehicle and vehicle ng biktima,” sinabi ni Tamayao.

Ayon sa pasaherong babae, hindi naman nakipagsagutan ang biktima sa suspek at wala rin umanong bumaba para makipag-away.

“Hindi naman nakipag-argue or whatsoever ‘yung biktima. In fact nagbigay ‘yung biktima nang tuloy tuloy na bumusina ‘yung suspek. However, before sila bumaba sa may Ayala Tunnel, doon na biglang binaril ng suspek ‘yung victim,” salaysay ni PCol. Tamayao.

Road rage ang tinitingnang anggulo ng pulisya, bagama’t hindi pa isinasantabi ang ibang motibo sa pamamaril.

“Titingnan natin ‘yung other possible, posibleng anggulo ng insidente. Maaari na may iba pang anggulo ito. Ito yung subject for follow up investigation natin,” ani PCol. Tamayao.

Ayon sa pulisya, stay-in driver ang biktima sa pinagtatrabahuhang negosyante na limang buwan pa lamang namamasukan bilang family driver.

Nanawagan na ang SPD sa publiko na maging alerto at isumbong kung may makikitang itim na sasakyan.

“Isang panawagan natin sa ating kababayan. Kulay itim na Mercedes Benz yung gamit ng ating suspect. So baka lang, wala naman ibang pupuntahan yun. Baka magawi sa lugar ninyo. Kung maaari makipagtulungan tayo sa pulisya,” ayon kay PCol. Tamayao.

Nagpapatuloy ang hot pursuit operation sa suspek. RNT/JGC

The post Registered owner ng kotse na sangkot sa road rage incident sa EDSA, tukoy na first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/registered-owner-ng-kotse-na-sangkot-sa-road-rage-incident-sa-edsa-tukoy-na/feed/ 0
Maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan asahan sa malaking bahagi ng bansa https://remate.ph/maulap-na-kalangitan-kalat-kalat-na-pag-ulan-asahan-sa-malaking-bahagi-ng-bansa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=maulap-na-kalangitan-kalat-kalat-na-pag-ulan-asahan-sa-malaking-bahagi-ng-bansa https://remate.ph/maulap-na-kalangitan-kalat-kalat-na-pag-ulan-asahan-sa-malaking-bahagi-ng-bansa/#respond Sun, 05 May 2024 00:00:10 +0000 https://remate.ph/?p=565381 MANILA, Philippines – Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa ngayong Linggo, Mayo 5. Ayon sa PAGASA, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Davao Oriental, Davao Occidental at Sarangani dahil sa easterlies. Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan […]

The post Maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan asahan sa malaking bahagi ng bansa first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa ngayong Linggo, Mayo 5.

Ayon sa PAGASA, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Davao Oriental, Davao Occidental at Sarangani dahil sa easterlies.

Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm naman ang inaasahan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil sa easterlies at localized thunderstorm. RNT/JGC

The post Maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan asahan sa malaking bahagi ng bansa first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/maulap-na-kalangitan-kalat-kalat-na-pag-ulan-asahan-sa-malaking-bahagi-ng-bansa/feed/ 0
Water cannon ng China nakamamatay – PCG https://remate.ph/water-cannon-ng-china-nakamamatay-pcg/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=water-cannon-ng-china-nakamamatay-pcg https://remate.ph/water-cannon-ng-china-nakamamatay-pcg/#respond Thu, 02 May 2024 00:00:19 +0000 https://remate.ph/?p=564629 MANILA, Philippines – Posibleng magdulot ng kamatayan ang water cannon attack na makailang beses nang ginawa ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). “If you are going to look at how it bent the railing of the Philippine Coast Guard vessel because of the water, obviously that would […]

The post Water cannon ng China nakamamatay – PCG first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Posibleng magdulot ng kamatayan ang water cannon attack na makailang beses nang ginawa ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

“If you are going to look at how it bent the railing of the Philippine Coast Guard vessel because of the water, obviously that would be very fatal,” pahayag ni Philippine Coast Guard spokesperson Commodore Jay Tarriela sa isang panayam.

Matatandaan nitong Martes, Abril 30, ay binomba na naman ng China gamit ang water cannon ang Philippine civilian vessels na patungo sa Scarborough (Panatag) Shoal sa WPS para sa supply mission.

Nagtamo ng pinsala sa canopy at steel railing ang PCG vessel BRP Bagacay dahil sa water cannon attack ng dalawang malalaking barko ng CCG.

Binomba rin ng water cannon ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na BRP Bankaw, na bahagi rin ng misyon.

Inasinta ng China ang watawat ng Pilipinas sa pagbobomba ng tubig gamit ang water cannon.

“It just goes to show that Goliath is becoming more Goliath, they don’t hesitate to use brute force to violate international law,” ani Tarriela.

“We are not going to be deterred we are not going to yield despite all the harassment and provocative action. Hindi kami mapipigilan ng China,” pagpapatuloy nito.

Sa kabila ng panggigipit ng China ay nagpatuloy pa rin ang supply mission ng mga barko ng Pilipinas, 80 kilometro mula sa Panatag Shoal. RNT/JGC

The post Water cannon ng China nakamamatay – PCG first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/water-cannon-ng-china-nakamamatay-pcg/feed/ 0
Easterlies iiral sa malaking bahagi ng bansa https://remate.ph/easterlies-iiral-sa-malaking-bahagi-ng-bansa-3/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=easterlies-iiral-sa-malaking-bahagi-ng-bansa-3 https://remate.ph/easterlies-iiral-sa-malaking-bahagi-ng-bansa-3/#respond Wed, 01 May 2024 23:00:14 +0000 https://remate.ph/?p=564626 MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang easterlies na iiral sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw, Mayo 2. Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil pa rin sa […]

The post Easterlies iiral sa malaking bahagi ng bansa first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang easterlies na iiral sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw, Mayo 2.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil pa rin sa easterlies at localized thunderstorms.

Samantala, inaasahan ang heat index na aabot sa 43 degrees Celsius sa Pasay City at 42 degrees Celsius sa Quezon City ngayong araw.

Ang heat index na ito ay maikokonsiderang nasa “dangerous” level ng heat index at posibleng magdulot ng iba’t ibang heat-related illnesses. RNT/JGC

The post Easterlies iiral sa malaking bahagi ng bansa first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/easterlies-iiral-sa-malaking-bahagi-ng-bansa-3/feed/ 0
Easterlies iiral sa malaking bahagi ng bansa https://remate.ph/easterlies-iiral-sa-malaking-bahagi-ng-bansa-2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=easterlies-iiral-sa-malaking-bahagi-ng-bansa-2 https://remate.ph/easterlies-iiral-sa-malaking-bahagi-ng-bansa-2/#respond Sun, 14 Apr 2024 00:00:19 +0000 https://remate.ph/?p=560921 MANILA, Philippines – Makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa. Ayon sa PAGASA, ito ay dahil sa easterlies na patuloy na makakaapekto sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw, Abril 14. Kasabay nito ay posible rin ang isolated rainshowers o thunderstorm na posibleng magdulot ng […]

The post Easterlies iiral sa malaking bahagi ng bansa first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, ito ay dahil sa easterlies na patuloy na makakaapekto sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw, Abril 14.

Kasabay nito ay posible rin ang isolated rainshowers o thunderstorm na posibleng magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa mga oras ng malalakas na thunderstorm. RNT/JGC

The post Easterlies iiral sa malaking bahagi ng bansa first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/easterlies-iiral-sa-malaking-bahagi-ng-bansa-2/feed/ 0
Kalat-kalat na pag-ulan, asahan sa bansa https://remate.ph/kalat-kalat-na-pag-ulan-asahan-sa-bansa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kalat-kalat-na-pag-ulan-asahan-sa-bansa https://remate.ph/kalat-kalat-na-pag-ulan-asahan-sa-bansa/#respond Sun, 07 Apr 2024 00:00:19 +0000 https://remate.ph/?p=559286 MANILA, Philippines – Asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong Linggo, Abril 7. Ayon sa PAGASA, magdudulot ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang easterlies sa BARMM, Zamboanga Peninsula, at Soccsksargen. Magbibigay din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na […]

The post Kalat-kalat na pag-ulan, asahan sa bansa first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong Linggo, Abril 7.

Ayon sa PAGASA, magdudulot ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang easterlies sa BARMM, Zamboanga Peninsula, at Soccsksargen.

Magbibigay din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm sa nalalabing bahagi ng bansa ang naturang weather system. RNT/JGC

The post Kalat-kalat na pag-ulan, asahan sa bansa first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/kalat-kalat-na-pag-ulan-asahan-sa-bansa/feed/ 0