Home METRO Tagaytay naghahanda sa 500K turista sa Bagong Taon

Tagaytay naghahanda sa 500K turista sa Bagong Taon

MANILA, Philippines – Inaasahan na ng Tagaytay City ang mahigit 500,000 turista na daragsa bago ang Bagong Taon, ayon kay City Mayor Abraham Tolentino.

Sa public briefing nitong Huwebes, Disyembre 28, sinabi ni Tolentino na karaniwang mas marami ang mga turista tuwing Bagong Taon kaysa Pasko.

“Nakikita po namin dun na po nag-fafamily bonding, naglu-lunch sa mga trunk ng sasakyan nila, etcetera. So, ganun po karami [ang turista] kasi sinamantala po ng mga mamamayan yun pong good weather sa Tagaytay. Mga bonuses po nila tyaka yung long weekend, yun po yung naging factors,” ani Tolentino.

Dagdag pa ng alkalde na nagiging mapayapa ang Bulkang Taal, na nakatulong din sa pagdami ng mga turista.

Sa kabila nito, epekto ng dagsa ng mga turista ay ang mabigat na daloy ng trapiko, na sinabayan pa ng konstruksyon ng Barangay Mendez – Crossing East Junction flyover na inaasahang matatapos sa 2024.

Siniguro ni Tolentino na bubuksan ang mga bypass road para maging opsyon ng mga biyahero na patungong Tagaytay.

“Yun pong pinaghandaan namin, dun po kaming merong augmentation sa mga overtime, sa mga traffic enforcers namin. Nagprovide na po kami ng 2 alternate routes. Pinalagyan na po namin ng tao tyaka mga signages before entering Tagaytay [upang sabihin na] meron na po kaming binuksan na 2 alternate routes going to bypass, and you will hit Aguinaldo Highway not passing Tagaytay anymore,” aniya.

“The problem is, hindi ko naman po mapipigil mga taong talagang gustong dumaan sa mga retaurants. Humingi po ako ng pang unawa at pasensya, hindi ko naman po mapigilan doon sa Tagaytay po mag family bonding because of the weather and everything,” dagdag ni Tolentino.

Inabisuhan ng alkalde ang mga biyahero na maglaan ng isa at kalahating oras para sa biyahe mula Manila patungong Tagaytay ngayong holiday season, at kung maaari ay bumiyahe ng maaga. RNT/JGC

Previous articleBiyahe sa Batangas port delayed sa masamang panahon, kondisyon sa dagat – PCG
Next articleKampo ng Chinese vessel, Filipino boat na sangkot sa Mindoro incident nagkasundo na