Tagle sa mananampalataya: “Hindi tayo nag-iisa”

Tagle sa mananampalataya: “Hindi tayo nag-iisa”

April 9, 2020 @ 4:22 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Hindi tayo nag-iisa.

 

Ito ang mensahe ni dating  Manila Archbishop at Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples sa Vatican Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya ngayong panahon ng kahirapan dulot ng COVID-19.

 

Sa kanyang inspirational message, sinabi nito na ang pagdiriwang ngayon ng Holy Week ay kakaiba dahil karamihan ay hindi kasama ang pamilya.

 

“Ano kaya ang mensahe ng coronavirus pandemic sa atin, sa paggunita natin sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus?”

 

Ito ang naging katanungan din ni Tagle sa mga mananampalataya sa gitna ng nararanasang krisis ngayon bunsod ng paglanagap ng naturang sakit sa buong mundo.

 

Bininigyan diin din ni Tagle na ang naranasan noon ni Jesus ay nararanasan din ngayon ng karamihan dahil sa krisis tulad ng pagiging malungkot, mahina, pagiging fragile at vulnerable.

 

Ang pagdiriwang ng Holy Week o pagsasagawa ng mga aktibidad ngayong Semana Santa  ay sinuspindi ng Simbahang Katolika dahil na rin sa enhance community quarantine na ipinatutupad sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng CoronaVirus Disease o  COVID-19. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Share

Leave a Reply

Loading...