Home NATIONWIDE Tagtuyot nakaamba sa 3 probinsya – PAGASA

Tagtuyot nakaamba sa 3 probinsya – PAGASA

MANILA, Philippines- Inaasahang makararanas ang mga lalawigan ng Batangas, Cavite, at Oriental Mindoro ng tagtuyot sa pagtatapos ng December 2023, ayon sa PAGASA.

Nagkakaroon ng tagtuyot kasunod ng mahigit 60 porsyentong pagbaba ng average rainfall sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan.

Batay ang pagtataya sa actual rainfall na naobserbhan mula July hanggang November, habang umiiral ang El Niño sa tropical Pacific Ocean.

Maaari pang umigiting ang kasalukuyang El Niño episode sa mga susunod na buwan na posibleng umabot sa ikalawang quarter ng 2024. 

Nagbabadya ring makaranas ang 20 probinsya ng dry spell, kabilang ang Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Palawan, Misamis Occidental, at Sulu.

Samantala, pitong probinsya ang inaasahang makararanas ng dry conditions sa pagtatapos ng taon, kasama ang Abra, Ilocos Norte, Batanes, Bataan, Zambales, Metro Manila, Occidental Mindoro, at Antique. 

Samantala, nasa dalawa pang tropical cyclones ang maaaring mabuo o pumasok sa Philippine area of responsibility bago matapos ang taon. Karamihan sa mga inaasahang bagyo ay magla- landfall sa Bicol Region, Eastern Visayas, at Caraga. RNT/SA

Previous articleDating sundalo, radio broadcaster tiklo sa ‘pagbebenta’ ng unlicensed firearms
Next articleHigh school teacher kinatay ng 3!