Home NATIONWIDE Taguig robotics team wagi sa RoboWorld Cup 2023

Taguig robotics team wagi sa RoboWorld Cup 2023

949
0

Tatlong estudyante na pawang mga miyembro ng Cayetano Science Robotic Team (CSRT) ang nakapag-uwi ng kanya-kanyang medalya mula sa Federation of International Sports Association (FIRA) RoboWorld Cup 2023 na ginanap nitong Hulyo 17-21 sa Wolfenbuttel, Germany.

Ang CSRT na nagrepresenta bilang team Pilipinas ay nagwagi ng silver medal sa kategorya ng Cliffhanger Missions Heavyweight.

Sa indibidwal na karangalan ay nasungkit ni George Lean Tizon ang gold medal sa Cliffhanger Heavyweight category at silver medal naman sa Mission Impossible United Countries.

Nakamit naman ni Gilleene Jazz Luyun ang dalawang silver medal sa larangan ng Cliffhanger Heavyweight category at Mission Impossible United Countries habang bronze medal din ang kanyang nakuha sa Cliffhanger All-round Heavyweight category.

Nagwagi din ang kapatid ni Lean ng dalawang silver medals na si George Angelo Tizon sa mga kategorya ng Mission Impossible United Countries at Cliffhanger All-round Heavyweight at bronze medal naman sa kategorya ng Cliffhanger Heavyweight.

Sa opisyal na Facebook page post ng CSRT ay binati ng grupo ang mga nagwaging estudyante at nagpasalamat sa kanilang mga magulang sa walang sawang pagsuporta sa kanila.

“Congratulations to the Cayetano Science Robotics Team and being crowned as the Kings of Cliffhanger Heavyweight Category! We would like to thank our supportive parents for their endless support to our whole team!” nakasaad sa Facebook page post ng CSRT.

Pinasalamatan naman ng team ang Senator Renato “Compañero” Cayetano Memorial Science and Technology High School, Data Science and Technology Corporation at ang lokal na pamahalaan ng Taguig sa kanila ring ipinakitang suporta sa grupo. (James I. Catapusan)

Previous article104-M SIM rehistrado na – NTC
Next articleUndercover police damihan vs human trafficking – BI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here