Tagumpay, utang sa mga magulang: PDU30, saludo sa mga nagtapos na miyembro ng PMA, PNPA

Tagumpay, utang sa mga magulang: PDU30, saludo sa mga nagtapos na miyembro ng PMA, PNPA

May 22, 2020 @ 8:15 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – “I give you my salute.”

Ito ang ipinaabot ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) “MASIDLAWIN” Class of 2020 at Philippine National Police Academy (PNPA) “MANDAYUG” Class of 2020, araw ng Biyernes, May 22.

Malugod na binati ng Chief Executive via Zoom ang mga newly graduates.

“That said, let me now extend my warmest congratulations and best wishes for all of you who are graduating this day,” ani Pangulong Duterte.

“I give you my salute. Napakahusay ninyo. Hurdling the both police and being a soldier requires everything,” aniya pa rin.

Sa bahagi ng naging talumpati ng Pangulo sa Commencement Exercises ng PMA at PNPA ay sinabi nito na huwag hayaan ang COVID-19 na mabawasan ang galak at pagmamalaki na angkin ng mga ito matapos pagdaanan ang matinding taon ng pag-aaral at mahigpit na pagsasanay sa loob ng silid-aralan at perimetro ng parade grounds ng kanilang alma mater.

“The period we live in is not a vineyard of comfort. These are troubled times, dangerous [and] abnormal times caused by a fast-spreading and highly contagious virulent virus [or virus] the COVID-19- that cuts across the whole of humankind,” ayon sa Pangulo.

Wala aniyang aspeto ng buhay ng tao ang hindi apektado ng teribleng sumpa na ito sa bawat sulok, sa bawat paglipat ng bawat espasyo kung saan nagkakakilala ang mga tao o nagtititipon ang mga tao.

“[Its direness suffocates] every human activity- economic, financial or else-wise has been affected. Sadly its end appears to be months and months away still,” aniya pa rin.

Samantala, maaari aniyang gumawa ng hakbang para mapakalma o mapagaan ang hirap ng trabaho na iniatang sa kanila at iangat ang pag-asa na sa lalong madaling panahon ay ang gagaling din at magiging malaya mula sa COVID-19 at magiging available sa lahat.

“Patience, perseverance and resiliency are the crying needs of the moment. I trust that every Filipino has this in his person and virtues abundant.”

“I can feel the pride that is in you resulting from what you have accomplished, but believe me when I say that prouder still are your parents and loved ones because [of] what you have become. Indeed, resplendent in your uniforms, in your paragons of manhood with all its connotations- officers and gentlemen,” lahad ng Pangulo.

Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na utang na loob ng mga ito ang kanilang tagumpay sa kanilang mga magulang.

Kaya nga kinukunsidera niya ang espesyal na araw na ito para sa mga magulang din.

“This day belongs to you both. I am really very happy for you tonight. I share your exhilaration. And I, me, I am confident that I will have soldiers, the finest from our military schools and police graduates that you will be there to secure the Republic for all time,” ayon sa Pangulo.

“All of you owe your parents so much and that is why I said you should be — I am sure you will find a way to be together even at a distance just to shorten the space. As it is mandated by law, we cannot do anything,” ang pahayag ng Pangulo.

Kaya nga, sa pag-abot ng mga ito ng kanilang diploma, medals o plaques sa kanilang mga magulang ay malinaw na tanda aniya ito ng paggalang at maka-Diyos.

Iparamdam aniya ng mga ito sa kanilang magulang ang kaugalian na itinuturing na most appropriate at walang hanggang pasasalamat.

Deserve aniya ng mga magulang ang kanilang karangalan.

At pinapalakpakan naman ng Pangulo ang mga magulang bilang pagbibigay parangal sa.mga ito.

“Graduates, the world is changing and we have to adapt to the changes lest we lag behind. But like someone else said, “We can change in a changing world and yet cling to the unchanging values of life.”

“Yes, indeed. Values like love of country, honesty, integrity, concern for the poor and the needy, adherence to the rule of law. These are values that make our society, humane, and a nation, progressive. A simple truth that is unassailable.”

“I suppose that all of you are imbued with these values. After all, that is what your alma mater prepared [you for]. Let it not be said by anyone later [that] in the conduct of your affairs and performance of your duty, you failed your alma mater, and wasted the efforts of your mentors. Heaven forbid. Sana huwag naman.”

“For indeed, that would be very sad. Keep that in mind always. The eyes of the Filipino, your fellow alumni and your alma mater are upon you wherever you may be. By your conduct, your alma mater shall be judged. So also shall be, your fellow alumni be similarly treated,” ang bahagi ng talumpati ng Pangulo. Kris Jose

Share

Leave a Reply

Loading...