Home NATIONWIDE Taiwan bebentahan ng US ng $360M missile, drone

Taiwan bebentahan ng US ng $360M missile, drone

TAIWAN – Inaprubahan ng US State Department ang posibleng pagbibenta nito ng mga drone at missile sa Taiwan na nagkakahalaga ng $360 million, sinabi ng Defense Security Cooperation Agency ng Pentagon.

Nasasakop ng batas ang Estados Unidos na magbigay ito sa Taiwan ng paraan para depensahan ang sarili nitong bansa sa kabila ng kakulangan ng pormal na diplomatic ties.

Matatandaan na mas tumitindi ang military pressure ng China sa Taiwan. Kabilang dito ay ang pagsasagawa ng war games sa paligid ng isla noong nakaraang buwan matapos ang inaugurasyon ni Lai Ching-te bilang presidente.

Ayon sa Pentagon agency, ang pagbibenta “will help improve the security of the recipient and assist in maintaining political stability, military balance, and economic progress in the region.”

Kabilang sa planong ibenta ay ang Switchblade 300 anti-personnel at anti-armor loitering munitions at mga kaparehong kagamitan sa tinatayang halaga na $60.2 million, at ALTIUS 600M-V drones at kaparehong kagamitan na nagkakahalaga naman ng $300 million.

Ang loitering munitions ay maliliit na guided missiles na kayang lumipad sa paligid ng target area hanggang sa maidirekta ito para umatake.

Nagpasalamat naman ang defense ministry ng Taiwan lalo na sa hakbang nitong palakasin ang arms sales sa nasabing bansa.

“In the face of the Chinese communists’ frequent military operations around Taiwan, these US-agreed-to arms sales items will have the ability to detect and strike in real time, and can respond quickly to enemy threats,” saad pa sa pahayag.

“It is hoped that the People’s Liberation Army will stop its oppressive military operations around Taiwan and jointly contribute to regional stability.” RNT/JGC