Home METRO Taiwan nagdonate ng P11.2M sa Davao na binayo ng sakuna

Taiwan nagdonate ng P11.2M sa Davao na binayo ng sakuna

MANILA, Philippines – Nag-donate ang Taiwan sa pamamagitan ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO), ng USD200,000 o tinatayang P11.2 million para suportahan ang Davao region sa nagpapatuloy na disaster relief operations kasunod ngatinding pagbaha at landslide noong Enero.

“We extend our deepest condolences to the bereaved families of the victims who remain missing or have perished in the devastating landslide,” sabi ni TECO Representative Wallace Chow sa turnover ceremony sa Makati.

“This humanitarian assistance is hoped to offer critical funding to DSWD (Department of Social Welfare and Development) in support of its efforts to deliver essential supplies, medical assistance, and other forms of support to help the affected families recover and rebuild their lives in the aftermath of landslides,” sabi ni Chow.

Ito ang pangatlong beses na nagbigay ng tulong pinansyal ang TECO para suportahan ang disaster relief sa bansa mula noong 2022, na umabot sa USD700,000 o humigit-kumulang P39.3 milyon.

Sinabi ni Manila Economic and Cultural Office Chairman Silvestre Bello III, na tumanggap ng tulong para sa Davao, na mahahati ang pondo sa mga apektadong lalawigan sa rehiyon.

Sinabi ni Davao Oriental 1st District Rep. Nelson Dayanghirang, na naroroon sa seremonya, na malaking tulong ang donasyon habang bumabangon ang lalawigan mula sa pagkawasak.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous article750MT bigas idinonate ng SoKor sa mga rehiyon sa Pinas na sapul ng sakuna
Next article“Lobbying money” sa pag-apruba sa economic provisions pinasinungalingan ng solon