Home METRO Taiwanese binaril-patay sa labas ng resto sa Laguna

Taiwanese binaril-patay sa labas ng resto sa Laguna

MANILA, Philippines – Itinumba ang 62-anyos na Taiwanese sa labas ng isang restaurant sa Barangay Del Remedio, San Pablo City, Laguna nitong Linggo, Nobyembre 25.

Kinilala ang biktima na si Hsein Chien Chang, residente ng Barangay Del Remedio.

Sa imbestigasyon, nakatayo ang biktima sa labas ng kainan nang dumating ang dalawang kalalakihan na sakay ng motorsiklo.

Nagpakilala ang isa sa kanila bilang Liquefied Petroleum Gas delivery agent at nilapitan ang biktima.

Dito na naglabas ng baril ang suspek at ipinutok sa mukha ng biktima.

Tumakas ang mga suspek at ang biktima ay dinala sa San Pablo City District Hospital ngunit binawian din ng buhay.

Nagsasagawa na ng manhunt ang pulisya laban sa mga suspek. RNT/JGC

Previous articleState of calamity idineklara sa Tagum City sa dengue outbreak
Next articleWHO nababahala sa 12K mpox cases sa DR Congo