Home METRO Taiwanese national na sangkot sa telco fraud, inaresto ng BI sa Pasay

Taiwanese national na sangkot sa telco fraud, inaresto ng BI sa Pasay

MANILA, Philippines – NAARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese national na wanted sa Taipei dahil sa pagkakasangkot sa telecommunications fraud.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang naarestong puganteng Taiwanese na si Shan Yu-Hsuan, 40, sa kahabaan ng F.B. Harrison St., Pasay City ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU) ng BI.

Ayon kay Tansingco, nag-isyu siya ng mission order para sa pag-aresto kay Shan dahil sa kahilingan ng gobyerno ng Taiwan na humingi ng deportation para maparusahan ito sa kanila.

“He will be deported after our BI board of commissioners issues the order for his summary deportation. He will also be included in our blacklist of undesirable aliens to prevent him from re-entering the country,” ayon sa BI chief.

Sa datos, dumating sa bansa si Shan noon pang Oktubre 10, 2019 at maituturing na itong overstaying.

Sa impormasyon, nag-isyu ng warrant of arrest laban kay Shan noong pang Marso 25, 2019 ang Ciaotou district court sa Kaohsiung.

Inakusahan ang nasabing dayuhan na nagpapatakbo ng isang call center outfit sa Taiwan na sangkot sa voice phishing upang makapambiktima na karamihan ay sa ibang bansa.

Ang mga call center agents ay tumatawag sa kanilang mga biktima na nagbebenta ng produkto online.

Si Shan ay kasalukuyang nakadetine sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig City habang hinihintay ang kanyang deportation proceeding. JAY Reyes

Previous article2 utas sa retiradong pulis
Next articleDOH Hotlines sa pag-iwas sa alak, sigarilyo binuksan na