Home NATIONWIDE Talamak na insidente ng road rage sa PH, iimbestigahan ng Senado

Talamak na insidente ng road rage sa PH, iimbestigahan ng Senado

756
0

MANILA, Philippines- Naghain ng resolusyon sina Senator Idol Raffy Tulfo at Senate President Juan Miguel Zubiri para imbestigahan ang talamak na insidente ng road rage incidents sa bansa.

Isinumite ni Tulfo at Zubiri ang Senate Resolution (SR) No. 769 matapos mag-viral sa social media ang isang ex-cop na nanakit at binunutan pa ng baril ang isang siklista sa Quezon City noong Aug. 27.

“The alarming rise in road rage incidents has posed a serious threat to public safety and the well-being of citizens,” nakasaad sa resolusyon. “It is crucial to take immediate and effective measures to address this issue and ensure the safety of all road users.

Sa paghahain ng resolusyon, sinabi nina Tulfo at Zubiri na ang Land Transportation Office (LTO) at iba pang kinauukulang awtoridad ay inaatasan na magpatupad ng mas mahigpit na regulasyon at parusa na may kinalaman sa mga insidente ng road rage.

Kabilang sa parusa ang pagpapawalang-bisa at permanenteng pagbabawal sa pagkuha ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF) para sa mga indibidwal na napatunayang nagkasala.

Binigyang-diin nila na ang LTO at ang mga kinauukulang ahensya ay dapat magtulungan upang magtatag ng isang komprehensibong sistema para ma-monitor ang mga indibidwal na sangkot sa insidente ng road rage. Ang mga nasabing indibidwal ay dapat pagbawalan na kumuha o mag-renew ng kanilang mga lisensya sa pagmamaneho.

Hinimok din nina Tulfo at Zubiri ang mga ahensyang nagpapatupad ng batas na makipagtulungan sa mga mental health professionals upang magbigay ng counseling at anger management interventions para sa mga indibidwal na guilty sa road rage offenses. Ito ay para na rin maiwasan ang ganitong mga insidente sa hinaharap. Ernie Reyes

Previous articlePagbawal ni PBBM sa e-sabong ‘wa epek’ sa SWW ni Mac Ignacio
Next articleMarlo, kakasuhan ang netizen sa kumalat na fake news!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here