Home NATIONWIDE Tamang sahod, benepisyo ng health workers prayoridad ni Herbosa

Tamang sahod, benepisyo ng health workers prayoridad ni Herbosa

MANILA, Philippines – Ipinangako ni bagong Health Secretary Ted Herbosa na makatatanggap ng tamang kompensasyon ang mga health worker mula sa gobyerno, partikular ang mga may naantalang benepisyo.

“Kailangan natin itong lutasin. Priority ko ‘to,” ani Herbosa.

Matatandaan na sa kasagsagan ng COVID-19, ilang health workers ang paulit-ulit na nagrereklamo sa mga pagkaantala sa pagpapalabas ng mga benepisyo at allowance na ipinangako sa kanila para sa pagtatrabaho sa frontline sa panahon ng pandemya.

“I’ll make sure lahat ng nagtatrabaho at nagbigay ng serbisyo, mabigay ‘yung benefits nila,” dagdag pa ng DOH chief.

Panahon na rin para taasan ang sahod na ibinibigay sa mga health worker, ani Herbosa, dahil binanggit niya ang patuloy na problema ng mga manggagawang umaalis ng bansa dahil sa kakarampot na suweldo.

Samantala, idinagdag ni Herbosa na partikular na hiniling sa kanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tugunan ang mataas na bilang ng kaso ng tuberculosis sa bansa, mga kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa mga kabataan, at teenage pregnancies.

Inatasan din siya ni Marcos na magtrabaho sa pagpapalawak ng mga espesyalidad na ospital, aniya. RNT

Previous article2 terorista patay sa Basilan
Next articleUpgraded na street dwellers rescue program ikakasa ng DSWD

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here