MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaking sinasabing rapist sa Valenzuela City Huwebes ng gabi.
Ibinalibag sa selda si alyas “Raul,” 28, walang hanapbuhay, ng Barangay Malinta, ng lungsod.
Ang suspek ang No. 6 Top Most Wanted Person District Level ng Northern Police District, at No. 2 Most Wanted ng Valenzuela Police.
Sinakote si Raul 9:00 pm ng Nobyembre 9 sa Saint Louie Compound, Barangay Malinta, ng lungsod.
Ang warrant laban sa suspek ay inisyu ni Hon. Mateo B. Altajeros, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 16, Valenzuela City, noong Pebrero 23, 2023, para sa kasong rape. Merly Iral