PARA saan pa nga naman ang usapang pangkapayapaan kung hindi naman nito mapipigilan ang karahasan.
‘Yan ang paninindigan na inihayag ni Quezon Governor Angelina de Luna Tan na naniniwalang wala ng puwang ang peace talks kahit na sa pagitan ng matataas na opisyal ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army-National Democratic Front kung patuloy naman ang mga armado nitong unit sa mga kanayunan at mga kabundukan ay patuloy na pumapatay ng kapwa nila Pilipino.
Sinusuportahan din lang naman ni Tan ang posisyon ni National Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. na hindi na kailangan ang pakikipag-usap o pagbubukas ng peace talks sa mga CPP-NPA-NDF kaya masasabi na parehas ang kanilang posisyon kaugnay sa peace talk.
Mas mainam sa kanila ang ‘localized peace engagement’, kung saan suportado at hinahangaan ni Teodoro, ang pamamaraang ito na ginamit ni Tan, kaya naubos ang CPP-NPA-NDF, nang di namamatay, kundi, ay mga nagsisuko at nagbalik-loob sa pamahalaan upang gumanda ang buhay.
Ang LPE o localized peace engagement, kung saan kinakausap ni Tan ang lahat ng nasasakupan o ang mga lokal na mamamayan, ay hinggil sa paglaban sa kahirapan, na dinadahilan ng CPP-NPA-NDF sa kanilang pakikipaglaban sa pamahalaan.
Ito nga ang reresolbahin ng lokal na pamahalaan para matigil na ang kaguluhan na dala ng CPP-NPA-NDF.
Ang mga namulat ang kaisipan ay biglang nag-iba ang pananaw at tinalikuran na ang kanilang pakikisimpatya sa CPP-NPA-NDF.
Maging ang mga mismong NPA fighters ay nagsisuko na rin.
Kaya nakalaya ang Quezon Province ni Tan sa kuko at panggugulo ng CPP-NPA-NDF. At iyan din ang hangarin ni Teodoro, na mangyari pa sa mga lugar na pinagkukutaan ng mga teroristang komunista.
Wala na nga naman dapat pang sayangin ng panahon sa mga pa-peacetalks-peacetalks pa. Local peace engagement na ang bida.
Tingnan n’yo ang bayan ni Tan, may P500 milyon pondo agad na inilaan ang pamahalaan para sa kaunlaran at kabuhayan ng kanyang mga mamamayan kaya ngayon ay wala nang makapanggulong CPP-NPA-NDF.
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!