Home METRO Tandem na tulak, laglag sa P87K ‘tobats’ sa Bulacan buy-bust

Tandem na tulak, laglag sa P87K ‘tobats’ sa Bulacan buy-bust

Bulacan – Arestado ang dalawang pinaghihinalaang tulak matapos mahulihan ng P87,040.00 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng San Ildefonso.

Kiinilala ang mga suspek sa alyas Glenn, 38, jobless ng Brgy. Poblacion at Philip, 50, tricycle driver ng Brgy. Sabang, Baliuag City.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo ni San Ildefonso Chief of police PLTCOL Russel Dennis Reburiano, ikinasa nila ang operasyon bandang 4:20 ng umaga nitong Pebrero 15 sa Brgy. Malipampang.

Ayon sa report, nabilhan ng poseur buyer ang umano’y magkasabwat ng isang sachet na pinaghihinalaang shabu kaya agad silang naaresto ng mga parak na nasa lugar.

Nakumpiska pa sa operasyon ang 12.8 gramo suspected shabu na nagkakahalagang P87,040.00.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III

Previous articleDOJ sa mga magulang: Mga anak bantayan sa paggamit ng internet
Next article40 degrees Celsius na init factor posibleng maranasan sa NCR sa Abril – PAGASA