Home NATIONWIDE Tanggulan ng Pinas palalakasin ni PBBM

Tanggulan ng Pinas palalakasin ni PBBM

MANILA, Philippines- Target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang tanggulan ng bansa sa pamamagitan ng pagpapahusay sa ‘operational capability’ ng Philippine First Scout Ranger Regiment (FSRR).

Itinatag ang FSRR noong 1950 para kontrahin ang lokal na rebelyon. Ang elite unit aniya ng Philippine Army ang dalubhasa sa “jungle-to-urban warfare, counterterrorism, at iba pang special operations.”

Binuhay ito noong 1970s at 1990s para tugunan ang patuloy na pagbabanta lalo pa’t may mahalaga itong papel sa kampanya laban sa “secessionist groups, insurgents, at mga terorista.”

Noong 2000s, naugnay ang FSSR sa isang “all-out war” laban sa MILF at MNLF.

“Over the years, the First Scout Ranger Regiment has stood as a stalwart defender, showcasing unparalleled loyalty and soldiery, and professionalism… The specialized skills in warfare, counterterrorism, and special [operations] make you indispensable to our nation’s security,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging talumpati sa 73rd Founding Anniversary ng First Scout Ranger Regiment, araw ng Sabado.

Dahil dito, tinitingnan ng Pangulo na palakasin ang kakayahan ng FSRR para isulong ang depensa ng bansa laban sa umuusbong na pagbabanta.

“To this end, the Department of National Defense will review the Scout Rangers’ capability requirements and pursue options that will enhance our operational capabilities and effectiveness to achieve the desired defense objectives,” ayon kay Pangulong  Marcos.

“By providing the necessary resources and support, we will enable the Scout Rangers, including our Special Forces Units, to support the Armed Forces, as it transforms into a stronger and more reliable defense force capable of defending the country against current and emerging threats,” dagdag na wika ng Pangulo.

Samantala, tinukoy naman ng Punong Ehekutibo na ang hangarin na pangmatagalang kapayapaan ay isang “pressing national concern.”

Ang pagpapalabas aniya ng Executive Order No. 47, inamiyendahan ang EO No. 125, series of 2021, naglalayong lumikha ng National Amnesty Commission (NAC), “aligns directly” sa Scout Ranger mission.

“By providing a path for former rebels to return to the fold of the law, the national amnesty program contributes to the overall stability and unity in our country,” aniya pa rin.

Sa nabanggit na pagdiriwang, kinilala ni Pangulong Marcos at dinakila ang awardees ng units para sa kanilang kapuri-puring pagganap sa kanilang tungkulin.

“I enjoin the Scout Rangers to continue to exemplify bravery, dedication, excellence, professionalism, courage in your mission of safeguarding and developing our nation,” ayon kay Pangulong Marcos. Kris Jose

Previous articleIlang bahagi ng Quezon binaha!
Next articlePagbabalik ng PH sa ICC dapat pagtibayin ng Senado – Tolentino