Home OPINION TANGKE NG TUBIG ITAYO SA ESKWELAHAN

TANGKE NG TUBIG ITAYO SA ESKWELAHAN

294
0

DAPAT nang isama sa pagpapagawa ng mga
eskwelahan ang pagpapatayo ng mga tangke ng
tubig na maglalaman ng tubig-ulan o mula sa suplay
ng mga dam at deepwell.

Marami ang pakahulugan nang pagkakaroon ng
suplay ng tubig sa mga eskwela, lalo na ang tubig-
ulan.

Sa ngayon, uso ang pagkakaroon ng sariling
comfort room ang bawat kwarto at para ito sa mga
guro at estyudyante.

Pero mayroong mga empleyado at magulang ng
mga bata na nangangailangan nito at hindi dapat
pumasok sa mga kwarto kaya kailangang hiwalay na
lugar na may tubig.

Kaya lang, problema ang suplay ng tubig gaya nang
nagaganap dahil sa kakulangan ng suplay mula sa
mga dam at mga deepwell na gawa ng mga local
water work.

Kapag may sariling tangke ng tubig ang mga iskul,
mga brad, hindi gaanong magdedepende ang mga
ito sa suplay ng mga dam at deepwell, lalo na sa
tag-ulan, dahil pwedeng manggagaling ang tubig sa
mga bubong ng mga iskul.

Nangangahulugan ito nang pagmenos ng gastos ng
mga iskul sa tubig dahil manggagaling sa ulan ang
malaking suplay at matitiyak din ang kalinisan at
kalusugan ng mga nasa iskul.

Maaaring maturuan din ang lahat sa iskul kung
paano makipaglaban sa sunog gamit ang tubig mula
sa mga tangke at maapula ang apoy bago pa
dumating ang mga bumbero.

Kung nagagawa ng mga kompanya ng langis at
suplayer ng tubig ang gumawa ng malalaking tangke
para sa petrolyo at tubig, hindi imposibleng magawa
rin para sa mga eskwela.

O, kayong mga mambabatas at mga lokal na opisyal
na nagtatayo rin ng mga lokal na iskul, kolehiyo at
unibersidad, pwede bang maglaan kayo ng badyet
para sa pagtatayo rin ng mga water tank sa mga
eskwelahan na pwedeng magamit sa panahon ng
tag-ulan?

Previous articleNAVOTAS, SOON TO HAVE SUPER HEALTH CENTER, BAHAY KALINGA
Next articleBalasahan sa PNP ipinatupad ni Acorda

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here