Home METRO Tanod binaril-patay

Tanod binaril-patay

240
0

TALISAY, Negros Occidental – PATAY ang isang barangay tanod matapos tambangan at barilin ng hindi pa kilalang suspek habang nagmamaneho ng kanyang tricycle, kamakalawa ng gabi sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Kagawad Dennis Tribaco, 49-anyos, ng Barangay Zone 10, Talisay City, Negros Occidental.

Batay sa report ng Talisay City Police Station, bandang 11:00 PM naganap ang krimen sa Hacienda Kapisyan, Brgy. Efigenio Lizares, Talisay City.

Kwento ng asawa ng biktima na si Antonia Tribaco, nakasakay sa loob ng tricycle at patungo sana silang airport para sunduin ang kanilang anak.

Advertisement

Subalit, bigla na lamang napansin ng kanyang mister na sumusunod sa kanilang motorsiklo sakay ang dalawang suspek.

Dinikitan ng mga suspek ang tricycle ng biktima at binaril ng isa sa mga suspek si Tribaco na tinamaan sa noo na agad nitong ikinamatay.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen. Mary Anne Sapico

Previous articleLakers tatapusin ng Nuggets sa Game 4
Next articleWilbert Ross, madaling ma-fall sa profile pic!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here