Home METRO Tanod binurdahan sa likod ng kapwa tanod

Tanod binurdahan sa likod ng kapwa tanod

MANILA, Philippines – Isang barangay tanod ang nasa malubhang kalagayan, makaraang pagsasaksakin sa likod ng kapwa niya tanod habang natutulog sa Tanza, Cavite.

Sa report, kinilala ang biktima na si alyas “Ernesto,” 46 ng St. Augustine, Brgy Amaya 2, ng nasabing bayan.

Nagtamo ang biktima ng saksak sa likod ng suspek na si alyas ‘Verlin’, 49, residente ng Brgy. Biga sa naturang lugar.

Batay sa imbestigasyon, bandang alas-6:30 ng hapon nang naganap ang insidente sa Barangay Amaya kung saan natutulog umano ang biktima sa lugar nang dumating ang suspek na armado ng patalim at kaagad na pinagsasaksak ang biktima.

Mabilis namang naisugod sa ospital ang biktima, habang ang suspek at tumakas bitbit ang patalim na ginamit nito.

Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa nangyaring insidente. Margie Bautista