Home METRO Tanod, nalunod!

Tanod, nalunod!

MANILA, Philippines – Patay ang isang barangay tanod matapos na malunod sa dagat ng Barangay Tanauan, Plaridel, Quezon nitong Biyernes ng umaga, Hunyo 21.

Kinilala ang biktima na si Edwin, 56, residente ng Barangay Concepcion.

May suot na brown T-shirt, itim na shorts at walang tsinelas ang biktima nang ito ay matagpuan.

Nakita na lamang ang katawan ng biktima na lumulutang sa dagat ng isang construction worker.

Ayon sa pulisya, huling nakita ang biktima na sobrang lasing at sumisigaw pa habang naglalakad mag-isa sa dalampasigan. RNT/JGC