Tanod, timbog sa higit P1M shabu

Tanod, timbog sa higit P1M shabu

May 20, 2020 @ 4:43 PM 1 week ago

  • 3
  •  
  •  
    3
    Shares
Share

Manila, Philippines – Swak sa kulungan ang isang barangay tanod makaraang mahulihan ng P1,020,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa Brgy. UP Campus, uezon City kaninang umaga Mayo 20 (Miyerkules).

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Ronnie Montejo ang tanod na nadakip na si Teng Macalbog, 47, ng block 54 lot 13, Zamboanga St., Brgy. Maharlika, Taguig City.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon si DDEU Chief, PMAJ Timothy Aniway Jr., mula sa isang confidential informant hinggil sa illegal drug activities ni Macalbog.

Sinabi sa ulat ng pulisya na ikinasa ang buy-bust operation, dakong 5:20 ng umaga May 20, sa Katipunan Ave. near corner CP Garcia Ave., Brgy. UP Campus, QC.

Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer at bibili ng halagang P300,000 halaga ng shabu mula sa suspek at matapos iabot ang shabu agad inaresto ang suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang may 150 gramo ng shabu na tinatayang may DDB value na P1,020,000.00, cellular phone, matte black, Yamaha Mio Soul  motorcycle at buy bust money. Santi Celario

Share

Leave a Reply

Loading...