Home ENTERTAINMENT ‘Tanya Gomez,’ nambudol na naman!

‘Tanya Gomez,’ nambudol na naman!

Manila, Philippines- Hindi kaya naaalarma si Tanya Gomez na may nagpapanggap bilang siya para makapangbudol?

Matatandaang inilabas namin dito sa Remate Online nitong July 10 na pinadalhan kami ng mensahe ni “Tanya” sa aming Facebook Messenger.

Kesyo nasiraan daw ang kotse niya sa daan, problema niya tuloy ang pambayad sa mekaniko.

She neeeded P2,500 na kung maaari’y ipadala namin sa kanya through Gcash.

I-send na rin daw namin ang resibo after sending the money.

Dahil nainip ay nabuwisit si Tanya sa amin.

“Seen” lang daw ba ang message pag may humingi ng tulong sa amin?

Nang hindi namin siya napagbigyan, siya pa ang may ganang magsabing hindi namin madadala sa hukay ang aming pera.

In the first place, hindi kami friends sa FB kung totoong si Tanya Gomez nga ‘yon.

As we write this, natisod ko ang FB post ng isang college friend.

Nanghihingi naman daw ng tulong si Tanya para sa isang actor-director na yumao na.

Hindi na namin babanggitin ang pangalan ng ipinanghihingi niyang tao ng tulong, pero July pa nang pumanaw ito.

Nag-comment ako sa post ng aking college friend, saying may T.G. rin na aktres na muntik nang mabudol ako.

It turned out na iisa pala ang may gawa niyon.

Sabi naman daw ni Tanya Gomez sa kanya ay matagal na raw niyang hacker ‘yon.

If that is so, bakit hindi ireport ni Tanya sa NBI o anumang ahensya ang kaso niya?

Still, I’d like to give Tanya Gomez the benefit of the doubt.

Baka nga impostor niya ‘yon na nambibiktima ng kung sinu-sino.

Gayunpaman, bakit parang prenteng-prente lang ang aktres kahit siya na ang napapasama?

Hindi maiiwasang magtanong na– is it the real Tanya Gomez? Ronnie Carrasco III

Previous articlePia, book author na!
Next articleSouth Luzon, VisMin uulanin sa habagat