Manila, Philippines – Firsthand ang aming karanasang ito sa Messenger ng Facebook madaling araw nitong July 9, Linggo.
Nakatanggap kami ng message mula kay Tanya Gomez.
Sa mga gen Z, si Tanya ay dating sexy star noong dekada otsenta.
Manaka-naka pa rin siyang lumalabas sa telebisyon at ilang pelikula.
Kadalasa’y mga mother roles ang natotokang papel sa kanya.
Hindi kami FB friends ng aktres na balitang nakarelasyon noon ng isang film director na yumao na.
“Hi, kumusta ka na?” saad ng mensahe niya.
Nakaramdam na ang writer na ito that Tanya was up to something.
Para makatiyak, tinanong ko si Tanya–kung totoo ngang si Tanya Gomez ‘yon–kung para ba sa akin ang message niya.
Posible kasing naligaw lang ang message niyang ‘yon.
Aniya, oo raw. Pahabol niya, may problema raw kasi siya: “I need your help!”
Kinlaro ko kung anong klaseng tulong ang kailangan niya.
Pero hindi ako nagkamali sa aking sapantaha: nangangamoy pinansyal ang problema niya.
Then Tanya went on to say na nasiraan daw siya. Kotse siguro niya ‘yon na nagkadiperensya sa daan.
Aniya, she needed P2,500 para ibayad daw sa mekaniko.
Kung maaari’y padalhan ko siya ng naturang halaga sa kanyang Gcash number, simot na raw kasi ang laman nito.
Tanya forwarded her number na nagsisimula sa 0916.
Kung na-send ko na raw ay i-forward ko raw sa kanya ang transaction receipt.
Tsinek ko ang profile niya sa FB, nothing much is found there except for a picture of her best supporting actress trophy from a fly-by-night awards-giving body at larawan niya noong payat pa siya.
Dahil it took me a while to fact-check, mukhang nainip si Tanya at nabuwisit.
Her next message read: “Ganyan ba kayo pag hinihingan ng tulong, ‘seen’ lang?! Hindi mo madadala sa hukay ang pera mo!”
Nagkataong may mas importante akong ginagawa ng mga sandaling ‘yon.
Pero later ay sinagot ko siya, I made her realize we’re not even friends–sa FB man o personal.
But I doubted kung si Tanya Gomez talaga ‘yon.
Posibleng na-hack ang kanyang FB accout at poser niya ang nakaisip mang-scam!
If so, Tanya should alert her showbiz and non-showbiz friends para hindi mabiktima ng nagpapanggap na Tanya Gomez! Ronnie Carrasco III