Home ENTERTAINMENT Tapatan ng bday episode ni Joey vs It’s Your Lucky Day, inaabangan!

Tapatan ng bday episode ni Joey vs It’s Your Lucky Day, inaabangan!

Manila, Philippines – Balitang hindi na iaapela ng produksyon ng It’s Showtime ang kasado nang 12-day suspension ng MTRCB sa kanila.

Ito’y magsisimula sa October 14 at matatapos sa October 27.

Bagama’t tinanggap ng programa ang desisyon ng ahensya, naninindigan ito na wala silang

“pertinent law” na nilabag.

Ang balita, It’s Your Lucky Day daw ang pamagat ng programang pansamantalang papalit sa Showtime.

Naiulat na kung sinu-sinong mga hosts ang magtitimon ng show.

Sila’y sina Luis Manzano, Long Mejia, Robi Domingo at Melai Cantiveros.

Samantala, there’s also a reason to look forward to sa pagtutok sa E.A.T.

Sa October 14 din kasi napatapat ang 76th kaarawan ng isa sa mga poste nitong si Joey de Leon.

Year in, year out ay nakasanayan na ng mga manonood ang espesyal na episode na inihahanda ng Dabarkads in celebration of its major hosts’ birthdays.

Tiyak na hindi magkakandatuto ang mga viewers kung alin ang mas tututukan nila sa Oct. 14: E.A.T. sa TV5 o time slot ng Showtime sa

GTV?

Para sa kaalaman ng lahat, consistent ang pagiging Number 1 ng E.A.T. sa daily ratings, sinusundan ng Eat Bulaga at panghuli ang Showtime.

Posibleng out of curiosity ay makatsamba ang GTV show, pero sa pilot episode lang nito maliban kung kaabang-abang pa rin ito sa mga susunod na araw. Ronnie Carrasco III

Previous articleABS CBN, tanggap ang desisyon ng MTRCB sa Showtime, ‘di na aapela!
Next articleMalakanyang nangako ng masusi at patas na imbestigasyon sa pagkamatay ng union leader