Home ENTERTAINMENT Tape, Inc., Eat bulaga pa rin ang titulong ginagamit!

Tape, Inc., Eat bulaga pa rin ang titulong ginagamit!

Manila, Philippines – TVJ won!

Ito’y makaraan ngang bawiin ng IPO o Intellectual Property Office ang iginawad nilang trademark pabor sa Tape, Inc. na producer ng Eat Bulaga.

Pumabor kina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon ang desisyong ibinaba ng IPO nitong December 4.

Kinatigan nila ang panig ng TVJ na sila ang rightful owner ng EB trademark.

Gayunman, ayon sa legal counsel ng Tape, Inc. na si Atty. Maggie Garduque, may 15 araw silang palugit para iapela sa IPO ang kaso.

Ibig sabihin, hangga’t wala pa raw pinal na desisyon av patuloy na gagamitin ng Tape, Inc. ang program title na Eat Bulaga.

Nilinaw ni Garduque na sumusunod sila sa batas.

Samantala, sa mediacon na ipinatawag ng TVJ nitong December 6, nilinaw nilang respeto ang kanilang hinihingi mula sa Tape, Inc.

Ani Joey de Leon, hindi nga raw angkop na sabihing “vindicated” sila.

E.A.T. pa rin ang gamit nilang pamagat ng programa bagama’t malaya nang isinisigaw ng mga hosts nito ang salitang “Bulaga.”

Sila ay kung tawagin collectively ay legit Dabarkads.

Sa episode nito nòong Huwebes, wari’y pabirong nagbigay ng babala si Jose Manalo sa Sugod Bahay Kapatid segment na mag-ingat sa mga peke.

Obyus namang patama ‘yon sa kabilang noontime show.

As for Tito Sotto, tinawag niyang maagang Pamasko ang naging desisyon ng IPO.

Matatandaang isinangguni ng TVJ ang nasabing kaso sa Divina Law office. Ronnie Carrasco III

Previous articleIkalimang Media Summit isasagawa sa Northern Luzon
Next article2 kelot kalaboso sa boga at iligal na sugal