Home ENTERTAINMENT Tape, Inc, nilinaw ang isyu ng paglipat ng EB sa AllTV!

Tape, Inc, nilinaw ang isyu ng paglipat ng EB sa AllTV!

Manila, Philippines – No need and no reason.

Ito ang ignit ni Atty. Maggie Abraham-Garduque sa balitang ililipat ng Tape, Inc. ang Eat Bulaga sa ibang netwotk.

Binansagang fake news ni Garduque ang kumakalat na balita.

Ani Garduque, maaaring ang pinagbasehan ng naturang pekeng balita ay nang ipakita ni Bullet Jalosjos, ehekutibo ng Tape, Inc. na producer ng noontime show, ang larawan nila ni Senator Mark Villar na magkasama.

Ang pamilya Villar ang may-ari ng AIITV.

Git ni Garduque, ang Camella na isa rin sa mga pag-aaring negosyo ng pamilya Villar ay nagkataong sponsor ng isang segment ng EB.

Ang tinutukoy ni Garduque ay ang May Pa-Key Kami Sa N’yo, kung saan may pagkakataong manalo ng house and lot mula sa Camella Homes.

Dagdag pa ng abogada, existing pa ang blocktime arrangement sa pagitan ng Tape, Inc. at ng GMA.

Sa 2024 pa ito mag-e-expire.

“There’s no need and reason for Eat Bulaga to transfer,” maring paglilinaw ni Gardque.

Samantala, maging ang GMA executive na si Atty. Anette Gozon-Valdes ay nagpahayag ng kasiyahan sa ratings na nakukuha ng EB.

Binabangga ng EB ang E.A.T. sa TV5 at It’s Showtime sa GTV a sister network ng GMA.

Kamakailan nga’y ni-renew ng Intellectual Property Office o IPO ang trademark ng EB for another 10 years.

Paglilinaw ni Valdes, marami pa raw maaaring mangyari between now and 2024 kung kaya’t hindi niya matiyak if EB is there to stay beyond.

As far as Garduque is concerned, hindi raw porke binati ni Bullet Jalosjos ng happy birthday si Sen. Villar ay nangangahulugan na ‘yon ng paglipat ng EB sa AIlTV.

Kunsabagay, sapat nang leksyon ang sinapit ni Willie Revillame nang umalis sa GMA ang kanyang Wowowin in favor of the Villar-owned network.

Anyare? Ronnie Carrasco III

Previous article2 patay, 3 sugatan sa engkwentro
Next articleBagong COVID variant binabantayan ng WHO