Home ENTERTAINMENT Tapyas-boobs ni AJ oks kay Jeric

Tapyas-boobs ni AJ oks kay Jeric

268
0

Manila, Philippines- Sabi nga, “Mother knows best.”

Pero mukhang mag-aalsa ang mga tatay sa pagsasabing: “Bakit, nanay lang ba? Kami rin, ‘no!”

Waring ito ang gustong patunayan ni Jeric Raval bilang ama ng Vivamax star AJ Raval.

Sa mga hindi nakakaalam, mahalagang papel ang ginampanan ng action star sa naging desisyon ng anak na ipatanggal ang silicone breast implant nito.

Matatandaang flinex pa ni AJ ang litrato niya sa social media hawak sa magkabilang kamay ang tinanggal na plastic na naglalaman ng silicone extracted from her boobs.

Ani Jeric after the breast implant removal: “Noon ko pa ‘yan sinasabi sa kanya. I told her to get rid of it. ‘Yun na nga, after a month after the breast implant, nanakit na ‘yung likod niya.”

Mas nakabuti pa nga raw sa mobility at physical appearance ni AJ when she had the breast implants removed.

“Tingnan n’yo,” pagpapatuloy ni Jeric, “Mas bumata tuloy ang itsura niya.”

Nakaramdam din daw si AJ ng matinding ginhawa nang mawala ang mga ‘yon.

Dagdag ni Jeric, “Pag nakahiga siya, hindi masakit. Pero pag nakatayo siya, masakit daw sa likod. Buti nakinig din sa akin.”

Marami naman ang nagdududa na may kinalaman daw ang breast implant removal ni AJ sa nobyo nitong si Aljur Abrenica.

Nabalita kasing mahigpit nang tinututulan ni Aljur ang ginagawang pagpapaseksi ni AJ sa pelikula.

Come to think of it, matagal-tagal na nga namang hindi lumalabas uli si AJ nang sexy sa pelikula.

Mukhang may credence nga ang balitang kontra na si Aljur sa pagiging daring ng inilantad na kapalit ng asawang si Kylie Padilla. Ronnie Carrasco III

Previous articleParak, 2 suspek utas sa operasyon
Next articleBugaw sa mga menor sa Angeles himas-rehas

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here