MANILA, Philippines – Matapos ang sunod-sunod na taas-presyo sa mga produktong petrolyo, makakahinga na ng maluwag ang mga motorista!
“Malakas ang tsansa sa diesel at kerosene pero sa gasoline, bantayan pa natin,” pagbabahagi ni Department Of Energy Oil Management Bureau chief Rino Abad sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo nitong Biyernes, Setyembre 22.
Aniya, posibleng magkaroon ng 50 hanggang 60 centavo na tapyas sa presyo ng kada litro ng diesel bago matapos ang buwan.
“Pwedeng walang adjustment sa gasolina o may kaunting rollback pero alanganin,” ani Abad.
Matatandaan na sunod-sunod ang naging pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa mga nakalipas na linggo o buwan.
Sa katunayan ay umabot na sa P17.30 dagdag kada litro sa diesel, P11.85 kada litro ang naging dagdag sa gasolina, at P15.94 kada litro na dagdag sa kerosene mula noong Hulyo 11.
Hindi naman masisiguro na hindi na tataas ang presyo ng produktong petrolyo dahil nananatili umanong manipis pa rin ang suplay ng krudo sa buong mundo. RNT/JGC