MANILA, Philippines – Nalagpasan na ng Commission on Elections(Comelec) ang target nitong mga bagong registrants matapos makapagtala ng mahigit 1.6 milyong posibleng mga bagong botante para sa 2023 Barangay at Sangguniang kabataang Elections o BSKE.
“If we add all reactivation, inclusion, and reinstatement applications, as well as the Register Anywhere Project (RAP) new applicants and reactivations, the total number of additional voters is at 1,631,433, subject of course to the approval of the respective Election Registration Boards. We surpassed the minimum 1.5 additional voters target,” saad ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco sa media viber group.
Aniya ang RAP pilot testing ay napaka-matagumpay.
“We had fully achieved the goal of pilot testing our systems and IT infrastructure on the possibility of remote registration while remaining fully complaint to RA 8189 , at the same time benefiting the sectors which needed it the most: non-resident workers, OFWs seafarers, students and transients,” sabi pa ni Laudiangco.
Base sa pinal na bilang ng Comelec, kabuuang 2,504,502 applications ang naisumite sa mga regular voter registration sites sa lahat ng lungsod at munisipalidad sa bansa.
Sa kabilang banda, karagdagang 8,979 applications ang naisumite sa piling booths. Jocelyn Tabangcura-Domenden