Inihayag ni Makati City Mayor Abby Binay na bumuo ng task force ang lungsod bilang preparasyon sa pagdating ng El Niño phenomenon at ang magiging epekto nito.
Ayon kay Binay, ang binuong Task Force ENSO (El Niño Southern Oscillation) ang siyang mag-uugnay sa lokal na pamahalaan sa iba’t-ibang grupo upang amsiguro ang tuloy-tuloy na ay ng tubig at elektrisidad sa mga residente ng lungsod bilang paghahanda sa epekto na idudulot ng El Niño ng hanggang unang tatlong buwan ng susunod na taong 2024.
“Nakipag-meeting tayo sa mga concessionaires natin ng tubig at ilaw sa Makati at pinaghanda sila ng mga contingency measures para sa inaasahang kakulangan ng supply sa tubig at kuryente. Naghanda na rin ang mga department sa City Hall na naghahatid ng mga social services at emergency response para sa ano mang krisis o emergency na maaaring mangyari,” ani Binay.
“Sisiguruhin ng Task Force ENSO na ligtas ang bawat isa at patuloy na naihahatid ang basic social services sa mga panahong nasa El Niño ang bansa. Halimbawa, hindi magkakaroon ng power interruption at kawalan ng suplay ng tubig sa mga ospital at pangunahing opisina sa Makati City Hall,” dagdag pa ni Binay.
Paliwanag ni Binay, naglatag na rin ng palno ang mga water concessionaires upang masiguro ang patuloy na suplay ng tubig sa bawat kabahayann at establisimiyento sa lungsod.
Advertisement